1 : The Repossesor

Start from the beginning
                                    

 

Hindi man lang nandiri ang salarin sa karumal dumal na gawain, sa halip, sumisipol pa siya habang ginagawa ito. Matapos niyang kuhain ang laman loob ay inilagay niya iyon sa sealed plastic at ipinasok sa loob ng bag pati ang mga gamit na inilabas niya. Sinukbit niya ang knapsack at ng aalis na sana siya ay nakita niyang nakabaon pa rin pala ang kutsilyo sa leeg ni Dave. Muli siyang lumuhod at mabilis na binunot iyon hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.

 

 

Arah's POV

 

 

"KYAAAAAAAAAAAAAAH!" Sabay kaming napasigaw ni Emerie ng may nanggulat sa likod namin at kasunod noon ay ang pagdilim ng paligid. Sheeeeeet! Kaya ayoko manood ng horror films kasama 'tong mga baliw na to eh, nauuwi lagi sa takutan. Eh etong si Emerie pa naman.... tsk, pustahan pagbilang ko ng tatlo iiyak na yan.

 

1....2....3

 

"W-walang hiya talaga kayo!" Narinig kong humahagulgol na siya. Sabi na eh. Mag-aayang manood ng nakakatakot eh alam naman niyang siraulo sila Logan tapos ngayon iiyak iyak siya diyan.

 

"Buksan niyo nga yung ilaw. Mga tarantado di na kayo nakakatuwa!" Sigaw niya habang umiiyak pa rin na parang bata.

 

"Hoy hindi naman kami ang nagpatay ng ilaw," sabi ni Paige.

 

"Isa! Buksan niyo na yung ilaw kung ayaw niyong bumaha dito," pagbabanta ko sa kanila. Kinapa kapa ko ang couch na kinauupuan ko at ng mahawakan ko si Emerie ay inakbayan ko siya habang hinihimas ang braso para tumahan na siya sa pag-iyak.

 

"Utut! Baka brown out? Kitang sabay sabay na namatay ang ilaw at tv. Sige try mo buksan yung ilaw, pag nabuksan mo... may halik ka sakin," sagot ni Logan. Umirap ako sa kanya kung nasaan mang lupalop siya sa salla na ito kahit na madilim ang paligid at hindi niya makikita ang pag-irap ko.

 

"Kahit na mabuksan ko pa, lugi pa rin ako. Mahawa pa ako virus ng laway mo," sabi ko kay Logan.

 

Maya-maya, bumalik na rin ang kuryente at tumigil na din sa pag-iyak si Emerie. Tokneneng na kuryente, naantala tuloy panonood ko. Nandun na eh. Pumapatay na yung multo, tsk.

 

"Emerie, hindi pa ba kayo matutulog? Dis oras na ng gabi oh, may pasok pa kayo bukas." Parang kabute na lumitaw na lang si manang Gene sa harap namin. 

 

"Oo nga pala, salamat sa pagpapaalala manang. Tignan mo 'tong isang to oh, tulo laway na. Hindi man lang nanghihintay. Sabay dapat tutulo ang mga laway namin eh," sabi ni Logan habang nagdadrawing sa mukha ni Paige. Kailan pa siya nakatulog? At saan galing ang pentel pen na gamit ni Logan? At anong dinadrawing niya? Jusme, sa lahat ng idadrawing, yung ehem part pa ng mga lalaki. Proud lang? Lagot na lang siya pag nagising na bukas si Paige. Lintek na lang ang walang ganti.

 

"Sige manang, matutulog na po kami. Balik na po kayo sa kwarto niyo, mukhang nadistorbo pa namin pagtulog niyo eh," sagot ni Emerie at pilit na ngumiti. Tumango si manang Gene at bumalik na sa kwarto niya. 

 

Tumayo sa couch si Emerie at humiga sa nakalatag na comforter sa sahig. 

 

The IncognitoWhere stories live. Discover now