"Tara na! Buhatin na natin itong mga box!"

"Nga pala Jairus, tayong dalawa lang ba talaga ang pinapunta ng Lola mo dito?" 

"Hindi, pati si Na---"

"Anong Na?"

"Wala. Haha. Hindi ko alam, parang tayong dalawa nga lang. Hehe." Kinamot ko na lang ang ulo ko. Mapapasama pa yata kung sasabihin kong kasama pati si Nash. Mamaya'y sumama na naman ang mukha nito kapag binanggit ko ang pangalang 'Nash'. Nasaan na kaya ung lalaking yun? Pupunta pa kaya yun dito?

"Hello po Ate!"

"Ano pong pangalan niyo Ate?" Sinalubong ng mga bata si Sharlene pagkapasok namin habang inaabot ko ang mga donations sa mga madre dito sa ampunan. Mukhang madadalian kaming pasiyahin ang mga batang ito ah.

"Hello din! Ako si Ate Sharlene. Kamusta kayo?"

"Ayos lang po Ate. Pero mas ayos kung makikipaglaro ka sa amin. Haha!"

"Oo naman, makikipaglaro si Ate Sharlene sa inyo." 

"Ate! Ate! Sino po 'yang kasama niyo?" tanong ng isang batang lalaki kay Sharlene habang tinuturo ako. 

"Siya ba? Si Kuya Jairus niyo yan. Makikipaglaro din siya sa inyo. Ayos ba yun?" 

"Opo Ate! Ayos na ayos! Boyfriend niyo po ba siya?"

*dug* *dug* *dug*

Patay! Ano na naman itong kumakabog sa dibdib ko! Bakit ba kasi lagi na lang kaming napgkakamalan na mag-syota?

"Hindi ko siya boyfriend, but he's a good friend of mine. Haha!" Napangiti naman ako nung sinab niyang good friend daw niya ako. Parang kailan lang nung nakakilala kami pero ganito na ang naabot ng friendship namin. 

"Ganun po ba? Kuya Jairus, ano pong lalaruin natin?" Lumapit na ako sa mga batang nagkukumpulan sa tabi ni Sharlene. Kung tutuusin, magkakapareho kami ng kalagayan. Wala na silang nanay at tatay, wala na rin akong nanay at tatay. 

"Gusto niyong maglaro ng baskeball?" 

"Basketball? Sige ba Kuya! Magaling ako dyan!"

"Sali din ako Kuya!"

"Kahit sino naman pwedeng sumali. Tara na! Laro na tayo!" Nginitian namin ni Sharlene ang isa't-isa bago kami maghiwalay. Ang gaan gaan talaga ng loob ko sa kanya. Sobra!

    ****

SHARLENE'S P.O.V.

"Kaya mo pa? Uminom ka muna ng tubig oh." Inabutan ako ni Jairus ng bottled mineral water. Kakatapos lang niyang makipaglaro ng basketball sa mga batang lalaki habang ako naman, kakatapos lang makipaglaro ng patintero sa mga batang babae.

"Thank you Jairus!"

"Ate Sharlene! Kuya Jairus! Tignan niyo po itong drawing ko!" Lumapit sa amin si Venus, 8 years old na bata na napaka-cute at ang puti, Tamang-tama ang pangalan niyang Venus sa kanya, panigurado kasing lalaki siya bilang isang magandang babae.

"Wow! Queen ba yan?" May korona kasing nakasuot yung babaeng nasa drawing niya.

"Hindi po, Princess lang po yan. Alam niyo po bang pangarap ko ang maging Princess balang araw? Sana po matupad ko po yun!" 

"Oo naman, ikaw ang magiging pinakamagandang prinsesa sa buong mundo. Promise!"

"Talaga po Ate? Kapag po nangyari yun, ikaw po ang gagawin kong Queen at si Kuya Jairus naman po ang King. Okay lang po ba?" Tumingin ako sa direksyon ni Jairus at saka siya tinanong,

"Ano Jairus? Ikaw daw ang King at ako ang Queen? Okay lang daw ba?" Kinindatan ko siya, baka kasi hindi sakyan itong trip ko eh. Syempre, kailangang utuin ang bata. Haha.

"Ah. Oo, oo naman. Pwedeng pwede! Kapag naging Princess ka na, ako ang magiging King at si Sharlene ang magiging Queen. Alright?" 

"Yehey! May Queen Sharlene at King Jairus na ako!" Nagtatatalon si Venus sa tuwa. Mga bata nga naman, oo!

"Hmmm. The last time I checked, ako yung King eh!" Nagulat na lang kami ng may nagsalitang tao mula sa likod namin. Lche! Bakit nandito si epal na Nash? -_-

    ****

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Where stories live. Discover now