MD #7.

3.5K 102 16
                                    

    ****

SHARLENE'S P.O.V

Pagkagising na pagkagising ko, nag-inat ako at syempre naglagay ng isang napakalaking ngiti sa aking mga labi. Oh ha?! Ang lalim niyan! Kaso biglang pumasok sa isip ko yung nangyari, tama bang nakipagkaibigan uli ako kay Nash? Hay! Bakit ko ba prinoproblema ngayon yan? Nangyari na ang nangyari. There's no turning back na! At saka BIRTHDAY KO KAYA! GOODVIBES LANG DAPAT! 

"Oy! Bakit ngayon ka lang gumising at anong oras ka umuwi kagabi hah? Masyado mo namang sinulit ang pagbalik mo sa Pinas." Pasigaw na sabi sa akin ni Mommy. Napagalitan pa ako. Hindi man lang ako binati ng Happy Birthday! Kasalanan ito nung nakakabaNASH na lalaking yun eh. T_T Stop it Shar- Friends na nga ulit kayo diba?!

"Sorry po! Hindi na po mauulit." 

"Dapat lang. Umupo ka na dyan at kakain na." Sinabayan na din kami nung maids namin sa pagkain. Ganito naman kasi kami eh, trinatrato na din namin sila bilang pamilya kaso ang hindi ko lang tanggap, bakit di ko matikman yung bagong lutong ulam at nasa akin yung lamig? Ayos lang naman sa akin eh, kaso birthday ko kaya. Pagbigyan naman nila ako oh! 

"Hmmp." Pinaglaruan ko na lang yung laman ng plato ko. Nakakapagtampo naman. Bigla namang may nagtakip ng mata ko mula sa likod. Oh? Sino naman kaya ire?!

"HOY! SINO 'TO?!" Pasigaw na sabi ko kasi ilang minuto na ring nakatakip sa mata ko yung mga kamay niya. Ang lakas niya kaya hindi ko matanggal yung kamay niya sa pagkakatakip. Teka- Lalaki ito ah.

"KIKO! ALAM KONG IKAW YAN!" Hindi pa rin niya tinatanggal yung kamay ko. Halatang-halata naman na siya yun eh, ang gaspang kaya ng kamay niya. Joke! Haha.

"FRANCIS MAGUNDAYAO!" 

"Oo, ako nga. Bakit Sharlene San Pedro?" Finally, tinanggal na niya yung kamay niya sa mga mata ko, ang tagal din noon ah. Bumungad naman sa akin yung maraming pagkain sa mesa at mga balloons. Saan galing ito?

"HAPPY BIRTHDAY SHARLENE!" Sabay-sabay nilang bati kasama na rin si Ella at Kiko. Na-manage nila ng ganung kabilis itong pag-aayos? Nakaka-touch lang! 

"Thank you. Kala ko naman po Mommy papagalitan niyo ako maghapon."

"Ito namang anak ko na ito. Haha. Sige, sige. Kain na tayo! Nakisakay lang ako sa trip nitong dalawa mong kaibigan kaya may surprise pang ganito."

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon