Umiling ulit si Buggy at hinawakan ang kamay nung sophomore. Nakita ko ang pamumula ng pisngi nung babae. Napabuga ako ng hangin. Puppy love.


Hinawakan ni Buggy ang kamay nito at mahinang itinulak palayo. Sapat na para mailayo niya ito ng kaunti. "Exams na next week kaya mag-aral ka. Kapag mataas ang grades mo, tatanggapin ko 'yan." Ngumiti ng tipid si Buggy pero sobrang kinilig ang mga sophomores sa ginawa niya.


Nagtilian ito habang papaalis. Tumingin lang ako kay Buggy na nawalan na yata ng ganang kumain pero may mga babae na namang lumapit sa kanya. Napairap nalang ako. Nung nakita ko palang na juniors ang mga babaeng 'to, lumaki na ang ngiti ni Buggy.

Nagbigay sila ng mga sulat at paper bags tsaka nagpaalam. 'Yung mukha ni Buggy ay parang proud na proud siya sa mukha niya at sa kasikatan niya. Hindi lang naman kasi siya sikat dito sa campus dahil sa pagiging Panty Monster niya kundi sa pagiging gwapo, matangkad, matalino naman at may killer smile.


Ako lang yata ang nakakaalam na iba ang trato niya sa mga sophomores at freshmen dun sa mga juniors at seniors.


"Feeling ko tuloy sinasadya nilang hindi mag-shorts dahil gwapo 'yung manyak."
Napabuga kaagad ng tubig si Buggy sa sinabi ko. Bigla siyang natawa at pinunasan ang tubig sa labi niya sabay upo ng maayos. "Ewan ko sa 'yo." Natatawa niyang sabi at tiningnan ako.


Sa tingin niya palang, alam kong natutuwa siyang nakikita akong nakangiti. Dapat nga ngumiti ako sa araw na 'to dahil baka sa susunod na araw, wala na akong ngiting maibibigay kapag nalaman ko kung sino ang pumatay kay Cash.



✥✥

Tumunog ang security lock ng pinto nung makapasok na ako sa apartment ko. "Penny.." Tawag ko kaagad dito at nilibot ang tingin ko sa paligid. Hindi ko nakita si Penny pero nakita ko 'yung mga anak niyang natutulog sa sofa.

Pumasok ako sa kwarto ko at tinapon ang bag ko sa gilid sabay higa sa kama ko. Paghiga ko palang, kinuha ko na kaagad ang cellphone ko at tiningnan ang bank account ko.


Napabuga nalang ako ng hangin. I have no money, like always. Gumulong ako sa kama ko at umub-ob sa unan ko. Ganun lang ang posisyon ko hanggang sa makatulog ako. Nagising nalang ako ng gabi na pala at nasa tabi ko na si Penny na natutulog.

I ran my hands on Penny's head. Nagising siya at tiningnan ako sa mga mata tsaka dinilaan ang kamay ko. Naglambing sa akin si Penny habang nakadapa pa ako sa kama at nakatingin sa kanya.


"You miss Daddy, huh?"
Hinawak-hawakan ko si Penny habang tumutulo ang luha ko. I miss him again. Pero hindi ako dapat palaging umiiyak. I need to work things out. I shouldn't be slacking off. Kaya tumayo na ako at inayos ang sarili ko.

Nagsuot ako ng jeans at leather jacket tsaka isang itim na cap. Binigyan ko muna ng gatas si Penny tsaka na kinuha ang susi ng motor ko at umalis na ng apartment ko.


Hindi pa ako nakakasakay sa motor ko ay tumawag na kaagad si Buggy. Napairap ako bago ko sinagot ang tawag. "Bakit?" Bungad ko sa kanya.


"Nasan ka?"
Tanong niya mula sa kabilang linya. Sumakay na ako sa motor ko. "Papunta ako sa Black Ariz bar. Bakit?" Pasimple kong sagot.


"What?! Hindi pwede! Papatayin ako ni Cash—ay teka, patay na pala 'yun—oh sh*t, Raven! Sorry! K-Kasi ano.. kasi—"


"I'll be fine, Buggy. I'm doing what I told you earlier."
Sabi ko at huminga ng malalim. Kanina kasi sa canteen, sinabi ko sa kanya na hahanapin ko ang taong pumatay kay Cash. He opposed to my plan pero wala siyang magagawa.

Babysitting June TanakaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant