Chapter Thirty Eight: Clean Up

Start from the beginning
                                    

"Dapat sa meditation camp ka matulog mamayang gabi" ang bigla niyang sinabi.

"Bakit naman?" ang gulat kong tanong. Muntikan ko na nang mabitawan ang hawak-hawak kong basahan.

"Well, hindi ka sumunod sa isang rule" ang tugon niya.

"Ha? Anong rule naman yun?" ang tanong ko. Pilit kong inalalala ang rules and regulations at ang mga kaganapan kanina.

"Bawal makipaglandian" ang tugon niya.

"Hindi ako nakikipaglandian!" ang giit ko.

"Why do you sound so defensive?" ang panunukso na naman niya. "You also flirted with that guy"

Tinignan ko naman ang tinuro niya. Si Uno.

"So lahat ng kausapin ko, linalandi ko na?" ang tanong ko.

"Yes"

"Sira-ulo" ang sabi ko. "Bahala ka nga diyan. Wag mo akong kausapin"

"At bakit hindi?"

"Baka sabihin mo, linalandi rin kita" ang tugon ko sabay lipat ng mapupunasang monobloc chair.

"Then, talk to me all day" ang bigla niyang sinabi. Napahinto naman ako. "I-i mean kasi nga malandi ka. Lubusin mo na. Nahiya ka pa.

"A-ANONG SINABI MO???“ ang galit ko nang tanong sa kanya. Kinuha ko ang malapit na walis tambo.

"HUI! HUI! ANONG GAGAWIN MO??" ang natataranta niyang tanong habang napapalakad pa-urong itinaas niya ang mga kamay niya paharap sa akin.

"HINDI NA AKO NATUTUWA SA'YO" ang sinabi ko.

"Ui. Sorry na!"

"Sorry? Mamaya ko na tatanggapin yang sorry mo...." ang komento ko. "Pagkatapos kitang bugbugin!"

Tumawa lang naman siya sa nasabi ko. Hinampas ko ang hawak-hawak ko sa taligirin niya. Napahinto siya sa pagtawa at napangiwi.

"Ang sakit nun,ha!" ang reklamo.naman niya. Humakbang ako ng isa kasabay nito ang paghakbang niya palayo.

"Hey, stop it!" ang utos niya.

"Sineswerte ka!"

Bigla na lang siyang tumakbo. Hinabol ko naman siya.

"Halika nga rito!!" ang sigaw ko.

"Never! Ang landi mo talaga! Hinahabol mo ako!" ang muli niyang pang-iinis.

"Leche!"

"Malandi!!!" ang muli niyang sigaw sabay tawa.

Natigilan ang lahat nang masaksihang nadulas siya. Natapakan niya kasi ang ka-momop na parte ng function hall. Napaupo naman siya at napangiwi sa sakit. Nagsitawanan naman ang lahat.

"Ayan kasi" ang panunukso ko pabalik.

"Ikaw kasi, malandi ka. Hinahabol mo ako!" ang bawi niya pabalik. "Malandi, malandi, malandi!!"

"Ah, ganun,ha!" ang reaksyon ko. Bago ko pa lang magamit ang sandata ko ay hinawakan niya yun at hinila. Ngayon ay hawak-hawak niya na ang walis tambo. Napangiti naman siya ng nakakaloko.

"It's payback time" ang sabi niya habang papatayo.

"Hui. Ayoko na" ang sabi ko.

"Babawi muna ako"

"Hui! Si Spongebob oh!" ang sabi ko sabay turo sa likod niya.

"Saan?" ang tanong niya agad sabay lingon. Kaagad naman akong tumakbo palayo.

"Hooooooy!!!!!!" si Luke. Siya na ang humahabol sa akin. Extra effort ako kasi mas mabilis siyang tumakbo.

"Tigilan mo ako! Lumayo ka!!" ang sigaw ko pabalik. Tawanan lang ang naririnig ko sa mga nakakasaksi sa aming dalawa. "Isip-bata!!!"

"Malandi!"

"Che! Ikaw ang malandi. Hinahabol mo ako" ang tugon ko.

"Eh, di tumigil ka sa katatakbo" ang suhestyon niya.

"Ayoko!!!"

"Gusto mo lang na habulin kita eh!"

"Gago!"

Napahinto ako nang may nakita sa gilid. Kaagad ko naman yung kinuha. Feel ko ako si King Arthur nung hinatak niya yung Excalibur mula sa bato. Hinarap ko si Luke.

"Humanda ka" ang tapang-tapangan ko sabay sugod sa kanya. Gamit ang kinuha kong isa pang walis tambo ay sinimulan ko siyang hampas-hampasin. Pero sinasangga niya naman.

"Looser!" ang tukso niya sa akin sabay hikab. "Tamaan mo naman ako"

"Ui, si Harry Potter!" ang pag-didistract ko sa kanya. Kaagad din naman siyang napalingon.

Devilish smile at finally, nahampas ko na rin siya. Seryoso naman siyang napatingin sa akin. Bigla niyang hinawakan ang dulo ng walis ko at hinila palayo sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin napapalayo naman ako sa kanya.

"Si Apple oh!" ang turo niya.

"Hindi ako maniniwala"

"Si Apple oh!"

"Haha" ang sarcastic kong pagtawa pero natigilan ako nang may nabunggo ako at napatikhim. Napaikot ako.

"Hi" ang bati ko.

"Xean" si Apple. Napa-peace sign ako. "Bumalik na kayo sa dorm at maglinis. Dumeretso kayo sa activity area. Go!“

I'm in Love With Mr. KimchiWhere stories live. Discover now