Chapter Thirty Eight: Clean Up

15.6K 380 15
                                    

Nang mapagod ang lahat sa pakikipagfood fight ay natahimik ang lahat.

Tumikhim naman si Dex at seryosong nagtungo sa harap. Kunuha niya ang megaphone. May strand pa ng pasta sa balikat at sa ulo niyo.

"Little Frozen Stars... Ultumate Shadow Swords" ang pagsisimula ni Dex. "Or should I say, School of Business and Accountancy and School of Literature and Humanities. Settle down. Lahat kayo bumalik na sa dorm at maglinis ng mga sarili. Next activity in one hour."

"Xean and company, stay and clean the hall" ang sunod na bilin ni Dex. Napakamot naman ako ng ulo.

"Okay lang yan. It was fun naman eh" si Princess sabay ngiti.

"Yeah, that was totally wicked" ang pagsang-ayon ni Uno sabay tawa. "Let's start this"

Pinanood namin siyang nagtungo sa likod at kumuha ng mop. Napakibit-balikat na lang ako at sumunod. Inabutan naman ako ni Uno.ng isa pang mop.

"I'll take this. Thank you" ang sabi ni isang tinig sabay kuha sa kahahawak kong mop. Kaagad naman akong napatingin.

"Anong ginagawa mo?" ang tanong ko.

"Tutulong" ang simple niyang tugon bago ngumiti at lumayo. Inutusan naman niya ang mga barkada niya na kumuha rin ng kani-kabilang cleaning materials. Napakamot naman sila ng ulo. Wala na silang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kagustuhan ni Luke. Nagsimula na kami sa paglilinis. Kumuha na lang muna ako ng basahan at tinuon ang pansin sa mga mesa at upuang nadamay sa food fight kanina lang. Habang ginagawa yun ay napatingin ako kay Luke. Ano kayang nakain niya? Bakit bigla siyang tumulong? Eh, kung sa bagay siya naman kasi ang dahilan kung bakit nangyari ito. Eh, ano bang meron yang lalakeng yan? Kung habulin siya ng Bloom na yun... parang siya na lang ang natitirang lalake sa mundo. Nakakairita.

"Kung nakakalusaw lang ang tingin, kanina pa siya naging tubig" ang komento ng isang tinig. Kaagad naman akong napatingin.

"TERRENCE?" ang reaksyon ko. Nasa tabi ko lang pala siya at nagpupunas din ng mga monobloc chair. "Hui, anong ginagawa mo. Wala ka namang kinalaman sa punishment namin."

"Hindi naman siguro masamang tumulong" ang tugon niya. "Kaibigan din naman kita, hindi ba?"

"Hindi naman sa ganun. Nakakahiya kasi" ang nahihiya kong paliwanag. Ngumiti lang naman siya.

"Malandi" ang narinig kong komento ng tao sa likod ko. Napa-ikot naman ako at nakita si Luke na busy pa rin sa kamo-mop.

"Tapos na ang parteng yan" ang komento ko. Pero hindi niya ako pinansin.

"Tssk" ang reaksyon niya lang sabay talikod sa akin. "Malandi talaga"

Napakunot ako ng noo.

"Hoy, sinong sinasabihan mo diyan ng malandi?" ang iritable kong tanong.

"Bakit tinatamaan ka?" ang tanong niya pabalik.

"Nagtatanong lang!" ang tugon ko.

"Tinamaan ka! Ibig sabihin, aware kang lumalandi ka!" ang sabi sa akin ni Luke.

#-____- Ano bang problema ng Luke na 'to? Nakakainis na.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" ang tanong ko. Napipikon na ako sa mga pangangalaska niya. Bad timing kasi may hang-over pa ako ng inis ko kay Bloom kanina lang. Tinalikuran ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagpupunas.

"Ui, ikaw mag-mop." ang utos niya kay Terrence. "Ako na diyan"

Hindi na lang umimik si Terrence at iniwan ang basahan sa mesa. Kaagad namang kinuha yun ni Luke.

I'm in Love With Mr. KimchiWhere stories live. Discover now