Chapter Ninety-four: Lost

6.1K 200 1
                                    


"Ha? Eh kasi ganito yun" ang pagsisimula niya.

"Wait"

"Ano na naman ba?" ang naiirita niyang tanong.

"Nagugutom ako" ang sabi ko. "At wala akong maiintindihan sa mga sasabihin mo kung gutom ako"

"Ganyan ka ba talaga ka-demanding?" ang tanong niya sa akin. "Buti natatagalan ka ng gunggong na yun"

"Hoy, Prinsesa ang turing sa akin ng boyfriend ko" ang depensa ko naman. Napa-ikot naman siya ng mga mata. Nagpapunta siya ng pagkain.

"As what I was saying.."

"Teka"

"What now?"

"Shunga lang? Paano ako kakain? Nakatali ang mga kamay ko. Duh" ang pagsusungit ko na naman. Napabuntong-hininga naman siya at kinalas ang pagkakatali sa akin.

"Wag ka nang magbalak pang tumakas. Nasa labas ang mga tauhan ko" ang babala niya. Tumango na lang ako. Sinimulan kong kainin ang fries... nagsimula naman siyang magkwento tungkol sa pinagmulan ng galit niya kay Luke.

"Sinaktan niya ang Kuya ko" ang sabi niya. Nagkasakitan kasi ang Kuya ni Leo at si Luke sa isang away in the past kaya naman galit na galit itong si Leo.

"Hanggang kelan ka magagalit?" ang tanong ko sa kanya. Napahinto naman siya at napatingin sa akin.

"Yung Kuya mo ba? Galit din ba siya kay Luke?" ang mga sunod kong tanong. "Inutusan ka ba niya na gawin to?"

"Hindi. Sarili ko tong kagustuhan." ang tugon naman niya. "Malaki ang respeto ko kay Kuya. In fact, he's my idol and I, uh... always look up towards him. I don't want anyone hurting him"

"So, sa tingin mo ba... hindi nasaktan si Luke nung mga oras na yun?" ang tanong ko ulit. "Pareho lang silang nasaktan. Be reasonable. Sa totoo lang ang babaw ng rason mo para magkaganyan ka"

Hindi naman siya umimik at mas lalong umiwas ng tingin sa akin.

"Move on. Iwan mo na ang mga nangyari sa nakaraan. Bakit mo pipilin ang maging miserable kung pwede ka namang maging masaya?" ang argumento ko sa kanya. Napabuntong-hininga naman siya.

"I guess you have a point" ang pagsang-ayon naman niya. "I'm sorry for all of these. Now I understand kung bakit siya nagkagusto sayo"

Natawa naman ako sa nasabi niya. Bigla na lamang nagbukas ang pinto. Si Luke... batid sa kanyang mukha ang galit.

"WHY YOU!" ang singhal niya kay Leo. "I'm here to bring back my wife"

Asus!!! Wife daw oh! Pwedeng wedding proposal muna?? Gusto ko kaya maranasan yun. Heller... Kaagad naman niyang sinugod si Leo at sinuntok sa mukha. Napaupo naman si Leo sa sofa pero mabilis siyang tumayo para bumawi. Nagsimula silang magsuntukan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung pipigilan ko ba sila? Pero natatakot naman akong madamay sa bangayan nila. Pumagitna naman ako.

"Tama na!" ang sigaw ko sa dalawa. Natigilan naman sila at napatingin sa akin. "Luke, umalis na lang tayo. Ayoko na... ayoko na makita ka pang masaktan"

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko.

"Sorry, Pillow" ang tugon niya. "Alis na tayo... You! GET THE HELL OUT OF OUR LIVES!"

Hindi naman umimik si Leo at umiwas ng tingin.

"Alagaan mo yang pillow mo" ang sabi ni Leo. "You willl never see someone like him again"

"Matagal ko nang alam yan" ang tugon naman ni Luke. Inakbayan naman ako ni Luke: lumabas kami ng Club Spaceman.

"Tahan na, mahal" si Luke sabay yakap at halik sa noo ko. "Sorry kung pinag-alala kita"

Pinunasan ko naman ang mga luha ko.

"Ayoko lang na nasasaktan ka" ang paliwanag ko naman."

"Iknow... I know" ang tugon naman niya. "Ihatid na kita sa inyo"

Pumayag naman ako. Dumaan muna kami sa isang restaurant at nagtake-out siya ng makakain. Kaagad naman niya akong hinatid sa boarding house. Tahimik lang kaming dalawa. Inasikaso naman niya ako.

"Magpahinga ka na mahal" ang sabi niya. "I'll see you tomorrow but before that, let me kiss you goodnight."

Hinatid niya ako sa kama at parang bata niya akong inasikaso. Okay naman na ako.

"Hindi mo na kailangang gawin to, Blanket" ang komento ko nang ayusin niya ang kumot ko. Hindi naman siya umimik bagkus ay hinalikan niya ang noo ko.

"Hihintayin ko muna na makatulog ka bago ako umuwi" ang sabi niya. Pinikit ko naman ang mga mata ko. Hindi nga nagtagal at siguro dulot na rin ng pagod ay nakatulog ako.

Kinabukasan... maaga akong nagising. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang screen. May message si Luke: "Good morning pillow. Always remember that I love you"

"I love you too blanket. Good morning" ang tugon ko naman. "Susunduin mo ba ako ngayon?"

Habang naghihintay ng reply niya ay inasikaso ko muna ang sarili ko. Nang makakain na at makaligo ay hindi pa rin siya nagrereply kaya naman naisipan ko siyang tawagan.

"The number you have dialed is out of coverage area" ang sabi sa kabilang linya. Paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero ganun pa rin... hindi ko siya ma-contact. Nakapagtataka at ilang beses na rin akong nagtetext sa kanya.

Dahil dun ay mabigat ang pakiramdam ko... hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi siya nagpaparamdam. Pumasok na lang ako ng Saint Anthony nang mag-isa. Naglalakad ako nang makita ko si Anjo sa tapat ng college nila. Kaagad naman akong lumapit.

"Anjo!" ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

"Hui" ang tugon niya.

"Si Luke? Nasaan siya? Hindi ko siya matawagan at hindi siya nagrereply" ang paliwanag ko sa kanya.

"Wala! Wala akong alam! Wag ako... wag mo akong tanungin ng ganyan!" ang natataranta niyang reaksyon sabay takbo palayo sa akin.



t

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon