Day 19

6K 311 93
                                    

12:00 AM

Wade: May good news ako.

Ano?

Wade: Talo si Yvo! Wala na siyang jokes kaya by default ako panalo. Iba na talaga magaling.

Wade: Kaya ililibre niya kami ng dinner sa Vikings NIU sa Friday.

Wade: Galing ko talaga.

Tapos ka nang magpadala ng mga corny jokes?

Wade: Gusto mo pa ba?

HINDI.

Capslock para dama mo.

Wade: Hahaha. Oo tapos na. Wala na rin naman akong maipadala. Naubusan.

Wade: Kapogian ko lang naman hindi nauubos, eh.

Wade: HAHAHA!

Saka kayabangan kamo.

Wade: Uyy

Wade: Sumang-ayon siyang pogi ako.

Wade: Shet.

Wade: Nahiya ako bigla. Hahaha!

Argh!

Ewan ko sa 'yo!

Wade: Hahahaha!

Wade: Musta na?

Same.

Wade: Wala ka nang sapi? Aba, nagulat ako sa 'yo bigla ka na lang nag-open kahapon.

DI BA SABI KO WAG NANG BABANGGITIN 'YON?!?

Wade: Sabi ko nga maganda ang araw ko. Hindi masyadong busy sa office. Hahaha!

Wade: Malapit na pala birthday ko, hindi mo naitatanong.

Pakialam ko sa birthday mo.

Wade: Sama talaga ng ugali nitong si MM.

Wade: Hindi mo man lang ako babatiin? Hay.

Happy birthday. Masaya ka na??

Wade: Susko. Advance?! Sa November 1 pa, oy.

HAHAHAHA!

Seryoso ka?

Wade: Oo 😂😂😂

Wade: Si Hel, November 2.

BAGAY SA 'YO BIRTHDAY MO HAHAHA

Wade: 😩😩😩

Wade: Bakit ganyan siya.

Wade: Na-realize kong guwapo lang talaga kaya mong ganyanin, Joyce Ann. Unfair. #SelfLove

LOL.

Wade: Ano kinain mo?

Pagkain, malamang. Ano bang tanong 'yan, Yozon?

Wade: Tanong pangmatalino, malamang. Hahaha!

Wade: Di nga. Baka mamaya nood ka nang nood tapos hindi ka kumain. Paano ka gagaling, MM.

Fairy Tale Fail (Ekis Babies #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon