Day 15

5.5K 351 138
                                    

12:00 AM

Wade: Buhay ka na ba? 😓

Grabe ka! Ang dami mong messages!

Wade: You're back! 😭

Wade: What happened?

Wade: Masyado kang nagpa-miss 😡

Wade: Ano na nangyari? Bilis!

Nagkasakit ako. Wag ka ngang OA. Hindi ako nakapag-cellphone dahil may sakit ako 😒

Wade: Magaling ka na ba ngayon?

Pahinga na lang. Tatlong araw akong hindi nakapasok sa work. Buti na lang may mga naipon akong sick leave.

Wade: Dapat nagsabi ka! Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo 😔

Paano magsasabi, may sakit nga?

Masyado kang clingy!

Hindi naman tayo 😒

Wade: Aguy. May pait ba sa tono ng mensahe mo? Hahaha!

Wade: Hindi ba pwedeng worried bilang kaibigan? Aguy si Joyce Ann, malawak ang imagination.

Wade: Hahaha!

Ewan ko sa 'yo! Parang magkakasakit ako ulit dahil sa 'yo!

Wade: HAHAHA!

Wade: Ano ba naging sakit mo?

Appendicitis.

Wade: Susko.

Wade: Naoperahan ka???

Oo.

Wade: Nasa ospital ka pa?

Yep. Monday pa labas ko.

Wade: Saang ospital ka ngayon?

St. Luke's.

Wade: Ah. Okay ka na ba?

Oo. Wala naman complications na nangyari. Pahinga na lang. Recovery, gano'n. Saka iwas sa mga bawal na pagkain.

Wade: Akala ko umiiwas ka sa pogi kaya ka biglang nawala 😂

Nasaan ang pogi?

Wade: Ito, kausap mo. Hahaha!

Wade: Pero ayos ka lang ba talaga? Okay lang bang nagpupuyat ka ngayon? Sino kasama mo? Makakapasok ka ba sa work?

My God! Chill!

Wade: Wow. Nabaligtad tayo. Ako na sinasabihan mong chill. Que horror. Hahaha!

Wade: Answer my questions, Joyce Ann.

Ayos na ako. Dude, stop worrying jeez. So annoying. Kagigising ko nga lang. Wala akong kasama. Kailangan kong magpahinga ng one week bago ako makapasok sa work.

Wade: Umuwi na bantay mo?

Wala akong bantay.

Wade: What?

Wade: Family mo?

Nasa Batangas.

Wade: Hindi ba nakaluwas?

Fairy Tale Fail (Ekis Babies #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon