Day 16

5.5K 351 125
                                    

12:00 AM

Wade: May joke ako sa 'yo tungkol sa mayonnaise.

Ano?

Wade: Ayokong sabihin.

Wade: Baka i-spread mo.

Wade: HAHAHAHA

Lintek. Habang tumatagal, pa-corny lalo nang pa-corny jokes mo.

Wade: 😢😢😢

Wade: Kumusta na? Bakit gising ka pa?

Hindi makatulog. I'm okay. Hirap lang kumilos pero okay na.

Wade: Hmm.

Wade: Sinabihan mo na ba pamilya mo?

Nope. Hindi na nga kailangan. They'll just worry. They'll think I cannot take care of myself. Kaya ko naman.

Wade: Still...

I'm fine, Wade.

Wade: GASP.

Wade: Parang ngayon mo lang akong tinawag na Wade??!!!

Wade: May sakit ka nga. Katakot 😰

Hahaha. Sira!

Wade: Ganyan ba talaga kapag may sakit? Medyo bumabait?

Ewan ko sa 'yo 😒

And what's with the GASP? Too gay, man. Too gay.

Wade: Isa pa, Joyce Ann, hahalikan kita dyan.

Eww.

As if kaya mo.

Wade: Ha! I know where you are 👀

Ang creepy mo, dude.

Hahaha!

Wade: Susko. Creepy agad? 😔

Hahaha!

Creepy naman talaga. Why am I even talking to you?

Wade: Because you can't resist my charm 😉

🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮

Wade: Haha!

Wade: Ayos lang bang nagpupuyat ka, ha, Joyce Ann?

Oo nga. Kagigising ko nga lang tapos hirap na akong makatulog. God. Sobrang boring dito sa ospital. I cannot watch nor read 😩

Wade: Hmm.

Magkwento ka nga para may silbi ka naman.

Wade: Sus. May silbi naman talaga ako. Pampagwapo ng view #SelfLove

Baka pampagago kamo.

Hahaha!

Wade: Susko. Ang brutal mo, hija. Epekto ba 'yan ng gamot 😩

Matagal na akong brutal. Masyado lang makapal mukha mo.

Dali na.

Fairy Tale Fail (Ekis Babies #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon