Men's Club 6:

1.4K 39 3
                                    

Malakas na tunog ng alarm clock ang nagpagising kay Nichole sa mahimbing niyang pagkatulog. Inis niyang kinuha ang unan na kayakap niya kanina lang, mabilis niyang inilapat ito papunta sa kaniyang tenga. Ngunit dinig parin ang ingay nagmumula sa alarm clock kahit na anong takpan o pagdiin niya ay walang epekto.

Inis siyang bumuntong hiningang bumangon sa kama at sinulyapan ng tingin sa study table kung saan nakapatong ang alarm clock na patuloy ang pagkring, hindi maipinta sa mukha ng dalaga ng dahil kasi rito nabulahaw ang kaniyang pagtulog. Hinablot niya ito bago pinatalikod ang likod ng clock then tinanggalan niya ang battery.

Hindi man lang niya tiningnan kung ano ang oras ng ibinalik niya ulit sa study table at padabog na humiga ulit sa kama at itinuloy ang naudlot na pagtulog niya. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang pagtulog ng marinig niya ang malakas na kalabog ng pagbukas ng pinto.

Naimulat niya ang kaniyang mata upang sulyapin ang taong nangiistorbo sa kaniyang pagtulog. Nakita niyang si Halley lang pala habang ito’y nakahalukipkip ang mga braso nito na nanatiling nakatingin sa kaniya pagkuwan Pailing iling lamang ang ginawa nito.

“Bumangon ka na diyan, Nichole” ani Halley sa kaniya bago lumapit sa hinihigaan niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Halley bagkus ipinagpatuloy ang pagtulog niya.

“Ah ganun! Dedmahin mo lang ako..... Sige pagbibigyan kita” naiinis nitong wika sa kaniya.

Gulat siyang napasigaw ng hilahin nito ang dalawa niyang paa kayat napadapa siya sa kama at nahila na lang niya ang maaaring kapitan dahil hinila talaga siya nito.

“Wait! Wait!!!!!” napasigaw siya na malapit na talagang mahuhulog kung hindi siya nakakapit sa gilid ng kama ay baka nasalo na siya ng sahig.

Napatigil ito sa paghila ng nilingon niya si Halley na nakataas ang Isang kilay habang nakatutok ang paningin nito sa kaniya.

“Oh, babangon ka na ba?” seryosong turan nito sa kaniya na natiling nakahawak sa mga paa niya.

Tumango siya rito na ikinabitaw ng huli sa mga paa niya kayat naramdaman ang pagkabagsak ng mga ito sa sahig ng bahay. Nakahinga siya ng maluwag at dahan dahang bumangon mula sa kama at humarap siya sa kaniyang pinsan.

Yes, magpinsan buo sila, dahil ang nanay nito na si Helda Simon Fuentebella ay kapatid ng kaniyang ama na si Narold Simon.

Isa itong neurologist doctor na may-ari ng sikat na hospital sa ibat ibang panig na bansa. Ang pangalan na hospital na iyon ay Halley. Talagang ipinangalan ang hospital sa pangalan nito.

Nagulat siya ng mag-snap ang daliri nito sa kaniyang mukha kaya napabalik siya sa realidad at nagising ang nalalakbay niyang diwa. Napatitig siya sa malditang kaanyuan ngunit natatago sa likod nito ang kabaitan sa kabila ng maraming problemang kinahaharap nito.

Hindi niya aakalaing nakaya nito lahat sa kabila ng maraming trahedyang nangyari sa dalaga. Noong bata kasi ito sa edad ng siyam, lapitin ito kasi ng trahedya, ay apat na beses kung ma-kidnapped ito dahil lang sa ubod ng yaman at ma-impluwensya ng  pamilya, bukod pa roon, ito ang kaisang-isang tagapagmana na nasirang ama ng Fuentabella.

“Hay naku! Nichole, kung saan saan na naman iyan lumilipad ang isipan mo! Kanina pa ako nagsasalita yun pala hindi nakikinig” disappointed nitong sabi at papailing na lumabas si Halley sa kaniyang inuokupang kuwarto.

Nakasunod lang ang kaniyang paningin sa pinsan na lumampas sa pinto bago tumigil ito saglit ng hindi man lang lumingon sa kaniya.


“Breakfast is already! So I'll give you five minutes to fix yourself, my dear cousin!” ani Halley sa kaniya “Don't ever go back in your bed! Sleepyhead women! Understand or else........” dugtong nitong turan na may halong pagbabanta sa boses nito.

Men's Club: My Husband's Obsessed With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon