Men's Club 5.

2.8K 72 6
                                    


Nagising siyang mahapdi ang kaniyang mukha, bigla niyang inimulat ng kaniyang mata pero agad din siyang ipinikit ng tumama sa kaniya ang sikat ng araw bago mabilis na bumangon sa kama. She was jumped her bed. Nakita niyang nakabukas ang sliding door na pumapasok ang sinag ng araw mula sa katapat pa mismo ng Kama.

Napailing siya, hindi niya alam kung dining nagbukas nito, she shrugged her shoulder then pumsok sa loob para maghilamos ng mukha, ng matapos ay humarap siya salamin.

Nakita niya ang kakaibang kislap sa mga mata na hindi niya kayang ipangalan ni Nichole. O dahil sa Isang estrangherong lalakeng na kakilala niya palang nitong nakaraang gabi.

Pagkatapos niyang mag stay sa bahay ni Zander, nang Gabi na iyon ay umuwi siya kasama nito After ng kanilang  dinner. Damn, ang sarap ng luto ni Zander. Paborito pa naman niya ang mga iyon. Hindi niya alam kung sinasadyang ihain sa kaniya.

Napatigil lang pagmumuni ng mapansing nakababad na nakabukas ang tubig sa gripo at mabilis isinarado ito. She grabbed her face towel on towel holder at pinunasan niya ang parteng basa sa mukha.

Mabilis siyang lumabas when she had done on the routine morning. Mabilis niyang tinungo ang kuwarto ng magkapatid.

Napangiti siya ng tuluyan ng bumukas ang pinto ngunit ang bumungad sa kaniyang nakita ang mukha nito na puno ng pag-aalala. Napawi ang kaniyang ngiti ng mapansin niyang tahimik ang loob at may taong  nakaupo pero nakatalikod sa kaniya.

Kilalang kilala niya ito kahit hindi ito humarap sa kaniya.

"Nay Tes, may problema ba kayo!" Tanong niya rito sa ginang habang palakad siyang lumapit sa kinaroroonan nito.

Nakaupo sa kamang double bed nasa ibaba ito, nakatulala at malayo ang tingin parang may sariling mundo.

Ngayo'y nakayuko na siya at parang ang hirap sabihin sa kaniya kung ano talaga ang nangyari.

"Nay!"

Narinig siyang humikbi kahit na mahina pagkahikbi nito ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Nichole.

Nang hawakan niya ito sa magkabilaang balikat at pinipilit na ingat ang mukha upang makitang umiiyak  ito. Hindi niya alam kung para saan ang iyak na iyon. At hindi niya kung bakit ito umiiyak, o dahil ba sa kaniya.

Ano bang nangyari at bakit nagkaganito si Nanay Tessa, may problema ba siya, sana naman sabihin naman niya sa kaniya, itinuring na anak ni Tessa pero ayaw naman magshare kung anong bumabagabag rito.

"Nay!" Malambing niyang wika rito. "May problema ba kayo!" Akala niya tuloyan na ito bibigay kapag naglambing siya pero hindi umepekto dahil umiling lamang ito.

Nasa ganoon sila ng ayos sa mga oras na iyon ng biglang bumukas ang pinto kaya napatingin siya rito kung sinong pumasok, Si nanay nora lang pala pero biglang siyang nalito kung bakit magkaparehas ang expression ng magkapatid.

Mayroon ba silang inilihim sa akin, bakit ayaw nilang sabihin ng hindi ako nangangapa sa sagot.

"Nasabi mo na ba! Tessa!" Tanong ni Nora kay Tessa. Palipat lipat lang ang tingin ni Nichole sa dalawa. Puno ng pagkalito at pagtataka sa maamo nitong mukha.

Naramdaman niyang umiling si Nanay Tessa dahil hawak niya parin ang mukha nito, binitawan niya ito at tiningnan silang dalawa na puno. ng pagtataka.

"Nanay!" Gusto niyang umiyak at magwala dahil parang hangin lang siya sa dalawa

Bakit ba ayaw nilang magsalita, nakaka-frustraite.

Men's Club: My Husband's Obsessed With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon