C32: Goodbye, Summer

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko alam kung bakit pero siguro kailangan ko nang itama ang mga maling nagawa ko. Kung kaya nila akong patawarin, siguro nama'y mapapatawad ko na rin ang sarili ko. Hawak ko pa rin ang litrato ng kaibigan ni Denise habang nakasakay sa isang tricycle.

Kailangan kong linawin ang lahat sa kanya. Ang ginawa niya dati at ang rason sa likod nito. Kailangan kong malaman ang panig niya. Hanggang sa napatingin ako sa dinaraanan namin. May napansin akong naglalakad na isang babae. Teka...

"Manong, para na po. Dito na lang ako." Inabot ko ang bayad ko saka agad agad na tumakbo papunta sa babae. Nang napansin niyang sinusundan ko siya'y mas lalo niyang binilisan ang paglalakad upang hindi ko siya maabutan. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad upang maabutan ko siya nang....

"Miss!" Sigaw ko sabay takbo at hatak sa kanya palayo sa isang rumaragasang sasakyan. Iniharap ko siya sa akin sapat upang makita ko ang gulat na gulat niyang mukha.

"Miss, ayos ka----" Nakaramdam ako ng malakas na pagsipa sa ibabang parte ng katawan ko.  Halos mamilipit ako sa sakit habang tinatakpan ang ibabang parte na iyon. "Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya.

Tinignan niya ako gamit ang pinakamalamig na ekspresyon ng mga mata niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang sa paa na tila ba'y kinikilatis ako. Lumapit siya sa akin at tsaka tinapakan ang kaliwa kong paa gamit ang sapatos niyang may takong. 

Napasigaw ako sa sakit.

"Ano bang probema mo?! Niligtas ka na nga, ikaw pa ang nananakit." Sabi ko pagkatapos niyang apak-apakan ang paa ko ngunit hindi siya nagsalita. Umirap lang siya at tinalikuran ako. "Miss teka lang!" Pero tuloy pa rin siya sa paglalakad. "Kilala mo si Denise di'ba? Si Denise Villaverde?" Sa mga katagang iyo'y humarap siya sa akin.

"Ano ngayon kung kilala ko siya?" Sa wakas ay nagsalita na rin siya.

"Dun sa sulat. Ikaw ang may bigay nun di'ba?" 

Ngumisi lang siya kasabay ng muling pagtalikod sa akin.

Pinabayaan ko na lang siyang maglakad palayo ngunit nagulat ako nang nagsalit muli siya. 

"Alam mo ba ang sinabi niyang rason sa ginawa niya? Ang sabi niya, ginawa lang naman niya yon para sa sarili niya. Nang sandaling yon ... parang gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko lahat ng ginawa't sinabi niya ay para sa sarili lamang niya. Pakiramdam ko'y nadaya ako, naloko at nagamit. Alam mo ba kung gaano kasakit? Napakasakit na ang tinuturing ko pang pinakamatalik na kaibigan ang nanggago sa akin." Lumingon siya sa na may kakaibang kislap sa mga mata niya. "Sabihin mo nga, paano ko siya mapapatawad?" Pagkatapos niyang sabihin ang mga yon ay mabilis na siyang naglakad. Pinagmamasdan ko lang siya habang tila ba'y unti unti siyang nilalamon ng kadiliman ng gabi.

Naiintindihan ko siya. Alam kong nasaktan siya nang lubos.

Ngunit may nakalimutan ako....

Hindi ko naitanong ang pangalan niya.


Summer's POV

Sumakay na lang ako sa kotse. Sa wakas ay natapos na rin ang fieldtrip pero natapos ito ng wala si Ash. Anong nangyari sa kanya? Bakit hindi siya pumunta?

Tumingin ako kay Amanda nang sumilip ito sa bintana sa tapat ko.

"Hey, sabi nila Vince kung gusto mo raw sumama?" Halatang napipilitan lang siyang ayain ako. Inirapan pa niya ako sabay tingin sa grupo nila Vince. "Ano? Sagot na." Sabi pa niya nang nakaharap muli siya sa akin.

Kahit kailan talaga'y hindi pumalya si Amanda sa pang-iinis sa akin. Imbis na sumagot ay sumenyas na lang ako sa driver namin na paandarin na ang sasakyan. Napadaan ako kung saan nakatayo ang grupo nila Vince at kumaway na lang ako bilang pamamaalam. Narinig ko ang malakas na tawanan nila kay Amanda.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon