35th Chapter

4.2K 102 6
                                    

His POV

"Saya natin a" sita sa akin ni Seth. Napangisi na lang ako. Masama bang maging masaya?

Naalala ko na naman yung ginawa niya kagabi. Unexpected na gagawin niya iyon. Knowing her, hindi siya ganoon.

"Ano bang gusto mo?" tanong niya nung sinabi kong hindi ko tinatanggap ang sorry niya.

 

"Earn me back. Kung dati ako ang naghahabol, ikaw naman ngayon. Patunayan mong mahal mo talaga ako."

Napatawa na lang ako nung naalala ko yung mukha ni Kath. Shet! Gulat na gulat siya. Syempre hindi ko naman talaga siya iniwan nun. Sinigurado kong nakauwi siya ng safe nun.

"Hala, baliw ka na dude. Hindi ko alam na nakakabaliw pala talaga kapag sawi sa pag-ibig" pang-iinis niya sa akin. Binato ko lang siya ng unan. Panira e. 

"Manahimik ka na nga lang at maglaro!" iritado kong sabi.

Hindi ko naman talaga papahirapan si Kath. MEDYO lang. Hindi ko rin naman siya matitiis. Isang sorry nga lang niya kagabi nawala na agad ang galit ko pero syempre pakipot muna ako.

Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ako iniwan. Hindi ko siya masisi kung mas pipiliin niya ang kapatid niya.

Pero pramis hindi ko talaga siya papahirapan. Mahigit isang taon ko siyang nakita, hahayaan ko pa bang umalis siya ulit. Hindi naman siguro siya uurong sa gusto ko.

Nagulat na lang ako nung biglang pumasok si Mama sa kwarto ko ng walang pasabi. Malaki ang ngisi niya. 

"Anak, may bisita ka." sabi nito. Sino naman ang bibisita sa akin? "Dalian mo! Matutuwa ka kapag nakita mo siya."

Dali-dali akong tumayo. Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Tumingin muna ako sa salamin kung ayos ba ang itsura ko. Napatingin naman sa akin si Seth na parang nagtataka kung ano yung ginagawa ko. Tinanggal niya yung headset sa tenga niya

"Anong trip yan dude?" tanong niya.

"May bisita ako gago" sagot ko. Tumango lang siya at nagbalik na lang sa paglalaro niya. Dali-dali akong lumabas ng kwarto pero nagdahan-dahan na ako nung nasa may hagdan na ako. Baka mahalata niyang masyado akong excited na makita siya.

Ngumiti siya sa akin nung nakababa na ako. Tumango lang ako sa kanya. Napatingin ako sa kasama niya. Dali-dali akong lumapit doon at ginulo ang buhok niya.

Nagtaka naman ako noong para syang natakot sa akin. Tumgin ako kay Kath. Hinimas-himas niya yung buhok ng kapatid niya.

"Natrauma siya" malungkot na sabi nito. Tumango ako. Ano pa bang ginawa ni Angela sa kanilang dalawa bago pa sila paalisin?

May inilabas siya. "Baka sakaling namiss mo lang" sabi niya pa habang nakangiti. SHET! Namiss ko ang G-G. Binuksan niya pa yung isang tupperware na may lamang pinakbet na may maraming kalabasa.

When Probinsyana meets Daniel Padilla (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon