20th Chapter

3.8K 108 1
                                    

Her POV

Mahigit ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng naaksidente siya. Naalis na rin siya sa ICU pero binabantayan pa rin sya dahil one time nagkaroon siya ng seizure.

Kwento lang ako nang kwento tuwing andito ako. Madalas din akong natutulog dito para magbantay.

"You're here again?" Napatingin ako doon sa nagsalita. Si Angela. Nagkibit-balikat na lang ako at hindi siya pinansin. Paniguradong aawayin lang naman niya ako.

Lumapit siya kay Daniel at hinalikan ito sa noo.

"Kamusta ka na baby" tanong niya kay Daniel.

"Makakaalis ka na. Andito na ako" sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi lang ikaw ang may karapatan sa kanya" sabi ko.

"What are you saying?" tanong niya mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Ako rin naman nagulat sa sinabi ko. Napakamot ako sa batok.

"I mean hindi lang ikaw ang may karapatang mag-alaga sa kanya." paliwanag ko. Inirapan na lang niya ako.

Matagal din siyang nagstay doon.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya sa akin. Umiling ako baka dito na rin siguro ako matulog dahil wala naman akong klase bukas.

"Bahala ka nga." sabi nito. Hinalikan niya uli sa noo si Daniel. "Balik na lang ako baby."

Umalis na siya. 

"Ay nga pala hindi ko pa nasasabi sa iyo yung tungkol sa amin ni Nico." sabi ko. Oo nga pala sa tagal kong nagbabantay sa kanya, hindi ko pa nasasabi yung tungkol dun.

"Hindi naman talaga kami" sabi ko. Hinawakan ko yung kamay niya. "Ginawa ko lang naman yun para lumayo ka sa akin. Para matigil yung nararamdaman mo."

Napabuntong hininga ako.

"Hindi ko naman alam na yung pagtulak ko sa iyo palayo sa akin ang dahilan kung bakit ka andito ngayon."

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako doon. Nagising na lang ako nung naramdaman kong may pumisil ng kamay ko.

Pagdilat ko, napagtanto kong nakahawak pa nga pala ako kay Daniel. Napabalikwas agad ako ng tayo nung narealize kong may pumisil kanina ng kamay ko.

Nagulat ako noong nakita ko siyang nakadilat at nakatingin sa akin. Tumawag naman agad ako ng nurse pati na rin sa Mama niya ay tumawag ako.

Ayos lang naman daw si Daniel at maganda raw na nagising na siya. Ang pinagtataka ko lang ay yung hindi siya nagsasalita.

"Bakit po siya hindi nagsasalita?" tanong ko. Nakatulala lang siya.

"Baka dahil sa shock pa ang pasyente dahil sa aksidente." sabi nito. Marami na rin daw siyang pasyente na ganyan ang cases.

Nakalipas ang mga araw pero ganun pa rin siya. Tulala at hindi makausap.

"Gusto mo ba ng ubas?" sabi ko. Kinuha ko yung ubas sa may table. "Say AAH."

Isinubo naman niya ito. Nakatingin lang siya sa akin habang sinusubuan ko siya.

"Bakit?" tanong ko. Ganyan siya parati sa tuwing pinapakain ko sya. Nag-aalala na nga ang Mama niya dahil ilang araw na ang nakalipas nung nagising siya pero ni isang salita ay wala pa siyang nasasbi.

"Magsalita ka naman" sabi ko. Ganun pa rin siya kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Kasalukuyan ko siyang nililibot sa may garden nung ospital. Mas maganda raw kasi na inilalabas ang pasyente kahit papaano. Baka raw sakaling makatulong sa improvement niya.

When Probinsyana meets Daniel Padilla (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon