4th Chapter

7K 153 8
                                    

Her POV

Maaga akong nagising dahil kahit linggo may gagawin parin ako. Mamalengke, maglalaba at magsisimba pa ako. Kala ko talaga rest day ko ngayon. Ginising ko na si Kelby para mapaliguan. Magsisimba kami.

 

"Ate hindi ba kasama si Kuya Daniel sa tin na magsimba?" tanong ni Kelby habang binibihisan ko sya. Tss. Hirap kayang gisingin nyan. 6 pa lang ng umaga no.

"Ewan ko. Mahirap kasing gisingin yun." sagot ko.

Nung natapos ko na syang bihisan. Tumakbo sya papuntang kwarto.

"Kuya! OY KUYA GISING!" sigaw ni Kelby habang niyuyugyog si Daniel. Sabi ng mahirap ngang gisingin eh. Nagulat na lang ako nung kumuha ng tsinelas si Kelby, sabay ----

*PAAAAK*

"ARAY! ANO BA?" sigaw ni Daniel.

Nung nakamulat na sya, tiningnan lang nya ng masama si Kelby. Si Kelby naman ngumiti lang at nagpeace sign pa. Lokong bata to.

"Magkapatid nga kayo. Manggigising na lang nanakit pa." reklamo nya tapos tumayo na sya sa papag at nag-inat inat.

"Ano bang meron at ang aga aga eh. Nambubulabog kayo ng tulog?" tanong nya.

"Gusto mo sumama magsimba?" tanong ni Kelby.

Umiling lang si Daniel tapos akmang mahihiga na uli kaso napatayo nung tinanung sya ni Kelby.

"Bakit takot ka sa simbahan? Natatakot kang masunog dun?" tanong ni Kelby.

"OY HINDI AH. Anong akala mo sakin makasalanang tao?!" tumayo na sya dun sa papag.

"Teka hintayin nyo ko. Maliligo't magbibihis lang ako."

Akala ko hindi na sasama

-Sa Simbahan-

Kasalukuyang homily ngayon, dito lang kami nagsimba sa chapel ng baranggay namin. Tahimik lang akong nakikinig ng may mabigat na pumatong sa balikat ko.

Tsk. Natutulog si Daniel. Hindi ginalang ang simbahan. Binatukan ko sya with full force tapos kinurot ko sya sa tagiliran.

"Umayos ka nga. Nagsisimba tayo kaya makinig ka!" bulong ko sa kanya.

"Eh sa inaantok ako eh." sabi nya

"Tss. Babatukan kita o makikinig ka?"

"Oo na. Sadistang Probinsyana talaga."

Buti naman at nakinig na sya. Natapos yung simba. Mabuti nga hindi na sya natulog kahit antok na antok na sya. Papikit-pikit kasi yung mata.

When Probinsyana meets Daniel Padilla (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon