Chapter 1

3.1K 101 1
                                    

"If you're looking for a girlfriend, try mo sa MOA. Madaming tao."

Text yan sakin ni Dylan. Gago no? Madami ngang tao sa MOA, puro naman pamilya, matatanda, bata, teenagers na may kasamang boyfriend. Pambihira. Bakit ko nga ba siya tinanong kung saan pwedeng maghanap ng girlfriend? Anong purpose ko diba? Tss.

Ako si Richard Faulkerson Jr. 20. Dun ako pinanganak at tumira sa Ireland for 14 years bago kami bumalik dito sa Pilipinas 6 years ago. Hindi na kasi natutuwa si Papa dun sa Ireland. Gulo no? May isa akong kapatid na babae. Si Kaitlin. Mas bata yun sakin ng 2 years. Nagtataka siguro kayo kung bakit marunong pa kong magtagalog. Si Mama kasi, ayaw na Polish or English lang yung language na alam namin kaya nung nasa Ireland pa kami, nagtatagalog din kami. Gwapo daw ako, (sabi nila) mayaman, (parents ko) matalino, (okay totoo to) madaming friends, (Mr. Congeniality daw ako sabi nila) at oo, mabait naman ako. Hindi naman ako yung tipo ng lalaki na hindi rumerespeto sa babae. Kasi ang babae, nirerespeto yan. Kapag binastos mo kasi, parang binastos mo na yung nanay mo. Oo, umiinom ako pero hindi ako nagyoyosi. HINDI NA. Tumigil ako kasi wala lang. Hindi rin pala siya fulfulling. Para saan pa ang pagyoyosi diba? Papatayin mo lang baga mo.

Pero naisipan ko ding pumunta sa MOA. Ano bang gagawin ko dito? Tatambay? Kakain sa fast food restaurant? Pupunta sa bookstore para maghanap ng librong mabibili at mababasa? Lilingon sa kaliwa't kanan para mainis at mainggit dahil wala akong girlfriend at puro couples ang nakikita ko dito?

Nagkagirlfriend na naman ako pero hindi din mga nagtatagal. Wala pa ngang umabot ng taon. Puro buwan lang. Tapos yung last girlfriend ko, last year pa. Maipagmamalaki ko naman siguro na hindi ako yung nakipagbreak sa mga ex ko diba? Masama nga kasi yun. Bakit ko nga ba naisip na tanungin si Dylan nun?

Nasa National Bookstore ako ngayon. Naghahanap ng pwedeng mabili. Nasa magazine section ako nung makita ko yung Men's Health na cover si Zac Efron. Hawak ko na yung magazine nung biglang may tumapik sa kamay ko.

"Aray." Napalingon akong bigla dun sa babaeng tumapik sakin. Nakanerd glasses siya tapos nakadress. Maganda siya kaso parang ang weird. Nakatingin lang siya sakin tapos biglang tumakbo. Pinabayaan ko na lang kasi baka type na type naman niya siguro si Zac Efron. May mabibili pa naman siguro akong iba. Kaso pagtingin ko, huling Men's Health na pala yun! Badtrip. Sayang. May gusto pa naman akong article dun. Sa ibang branch na nga lang ako bibili.

Kaya bumili na lang ako ng milk tea at croissant tapos dumiretso na ko sa Seaside. Madami ngang tao. Normal na araw lang naman dito pero madaming tao. Umupo ako sa isang bench tapos nagsimula nang kumain. Nangangalahati na siguro ako sa kinakain ko nung biglang may babaeng tumabi sakin. Hindi naman katabi talaga pero nasa may dulo siya nung bench. May dala siyang grocery bag na puno ng chips saka candies. May kasama siyang bata, nagpipicture sila. Hindi sila mukhang magkapatid pero todo picture pa din sila. Binibigyan nung babae yung bata ng pagkain, tapos picture picture pa din. Tama na nga yung pagchismis. Ano bang pakialam ko sa kanila?

Pero hindi ko mapigilan. Habang kumakain ako napapalingon ako sa kanila. Agaw atensyon kasi siya sa pagpipicture. Mukha silang ewan pero cute. Tuwang tuwa sila kakapicture. Ang lakas nga ng tawa nung babae eh. Parang walang pakialam sa mga nakapaligid sa kanya.

Natapos na kong kumain pero parang kulang pa yung croissant kaya naisip kong bumili pa. Napansin ko na paalis na din yung babae sa tabi ko. Kaya pala pamilyar. Siya pala yung nasa National Bookstore kanina. Nauna siyang tumayo sakin. Pinabayaan ko muna na makalayo siya kasi baka isipin niya, sinusundan ko siya. Naiwan naman yung bata kaya tinanong ko.

"Ate mo yun?" umiling lang yung bata tapos sumubo ulit ng gummy bears na bigay nung babae.

"E kaano-ano mo siya?"

"Wala lang. Nagulat nga din po ako nung hilahin niya ko kanina eh. Kasama ko po yung mama ko pati kapatid ko tapos nandun po sila sa mga rides. Baka nga po hinahanap na ako eh."

"Bumalik ka na kaya. Baka nag.aalala na sayo yung mama mo."

"Sige po. Mauna na po ako. Ingat po kayo. :)"

Weird talaga. Manghila ng bata sa gitna ng seaside? Gulo ah.

SeasideWhere stories live. Discover now