Chapter 10

1.8K 76 6
                                    

Ilang buwan na rin ang lumipas nung maospital si Maine. Tuloy pa rin ang buhay, kahit alam kong hindi na ako magiging katulad ng dati. May kulang na kasi sa akin.

Madalas pa din akong pumunta sa Seaside. Dito ang breathing space ko. Kahit polluted, peaceful naman.

Katulad ngayon, madaming tao kasi Valentine's Day. Ngayong hapon pa nga lang medyo madami nang tao, ano pa kaya mamayang gabi? Kaya pinili kong umupo sa may bandang dulo. Kakaunti ang tao, medyo tahimik.

Naiisip ko, paano kung walang sakit si Maine? Okay kaya kami? Siguro maayos na kaming dalawa. Hindi ko naman itatanggi eh. Minahal ko siya sa maikling panahong nakasama ko siya. Kahit sobrang weird niya, masaya siyang kasama. Madami kang matututunan sa kanya. Naging--

"Hi, Richard."

Oh, si Maine? Anong ginagawa nito rito?

Ilang minuto na rin kaming magkatabi, walang nagsasalita, hanggang sa basagin ni Maine ang katahimikan.

"Richard,"

"Maine.."

"No, just let me talk, please.."

Hindi na ako umimik at hinayaan siyang magsalita.

"I love you. Nakikita pa lang sa school noon kasama si Kaitlin, I swear gusto na kita. Posible naman na mainlove ka from afar, hindi ba? Ang babaw. Pero ayaw kitang abalahin dahil alam kong may sakit ako. I don't want you to fall in love with me tapos malalaman mong may sakit ako. No, Richard. I don't want you to stay with me because I'm sick. Selfish na kung selfish pero ayaw ko ng ganon. I know I'm dying, kaya ayaw kong maattach sa mga tao dahil alam kong maiiwan ko din sila."

"You deserve so much, Richard. You deserve more than this. You deserve a better life, to love a better person na hindi ka iiwan katulad ko."

"Maine.."

Hindi na siya nakasagot dahil bigla na lang siyang umubo ng may dugo, at tila nanghina na rin ng tuluyan.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ito na yata ang kinatatakutan kong mangyari... Ang mawala siya sa akin..

"Promise me... Richard... Be happy for me.. Kahit magmahal ka ng iba... Please wag mo akong iisipin... I'll.. be.. fine.."

I held her in my arms. Wala na akong sinabi pero naiintindihan ko..

"I love you, Richard..."

It's been a year since it happened. Nang huli kaming magkita ni Maine sa Seaside, she died in my arms. Alam na niyang iyon na ang huli at pinili niyang manatili sa tabi ko.

Isa sa mga kahilingan ni Maine ang ma-cremate at maisaboy ang kaunting abo niya sa Manila Bay. Sa ilang araw ng burol hanggang sa araw ng cremation, tahimik lang ako sa isang tabi. Wala akong gustong gawin kundi manahimik at i-feel ang presence niya. Gusto ko siyang maramdamang muli.

Hindi na siya babalik. Alam kong hindi na rin magbabago ang katotohanang wala na si Maine. Pero susundin ko kung anumang kahilingan niya. I will be happy for you, Maine. Even if it takes forever to be happy again..

____

So... Seaside ends here. Salamat sa'yo, nakaabot ka dito. Kahit revamped lang to, I still hope you enjoyed reading. 😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SeasideWhere stories live. Discover now