"Kung ako sa'yo miss tatanggalin ko na ang kamay ko dyan sa bagay na hindi mo dapat hinawakan kung ayaw mong putulin ko 'yan." Nagtatagis ang mga bagang na tugon ko pero ang puta mas lalo lamang pinag-igi ang malanding paggalaw ng kamay doon.

Nawalan na agad ako ng pasensya kaya agad kong tinabig ang kanyang kamay sa marahas na paraan. Salubong ang mga kilay at masama ang tingin na binalingan ko siya, isang babaeng na sa isang tingin pa lang sex lang ang ikinaliligaya sa buhay, in short slut!

"Maghanap ka nalang ng ibang lalandiin mo miss dahil wala akong oras sa mga babaeng katulad mo." Bumakas ang inis sa mukha niya na ikinangisi ko naman. Aba, wag niya akong subukan sa ganitong lagay ng mood ko kung ayaw niyang maging trending topic sa buong Pilipinas na nambugbog ako ng babae tutal immature at iresponsable ako kayang kaya ko 'yong gawin.

"Hey, dude girlfriend ko 'tong binabastos mo." Maangas na sabi ng lalaking kadarating lang. Hindi nagkakalayo ang katawan namin pero kung mukha ang babasihan wala siyang binatbat kahit ilong pa lang ang pag-uusapan.

Natumayo ako at namulsa harap nila ng girlfriend niya kuno na biglang tumago sa likod niya.

"Girlfriend mo 'yan? Magshoshota ka nalang 'yong parausan pa ng buong barangay." I know masyadong harsh at below the built para sa parte ng babae pero ginusto niya 'to e. At naniniwala ako na nakukuha ang respeto na dapat ibigay sa kanila kung karespe-respeto ang galaw.

"Aba, ang angas mo porke't artista ka at sikat ang angkan mo? Wala kang respeto sa babae." Galit na sigaw nito. Nagkibit balikat lang ako.

"Dapat bang bigyan ng respeto ang babaeng nanghahawak ng ari ng lalaki at lantad na lumalandi? Hindi naman siguro siya naghihirap kaya hindi siya pokpok dito sa bar na 'to, so  ang gan'ong mga klaseng babae na mas inuuna ang libog kaysa sa dignidad ay mga puta." Walang habas kong tugon na ikinagalit niya lalo, akmang susuntukin niya ako ng unahan ko siyang bigyan ng suntok sa panga.

Tumilapon siya sa sahig at umungol dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko sa mala punching bag niyang mukha. "Dude, girlfriend mo ang pagsabihan mo."  Payo ko, susugod na naman sana siya pero mabilis kong sinipa ang sikmura niya dahilan para bumalik siya sa pagkakasubsob sa sahig at namilipit sa sobrang sakit. Dinaluhan naman siya ng kanyang girlfriend.

Tangna! Ang dadrama ng mga ungas na 'to.

Walang nakialam sa nangyari hanggang sa dumating ang mga bouncer. Akmang hahawakan nila ako ng sinamaan ko sila ng tingin.

"Yan ang palabasin niyo sa lugar na 'to dahil wala akong kasalanan." Kalmado kong tugon sabay pakita ng wallet ko. Nang makita ang pangalan ko ay bumakas ang pagkabahala sa mukha ng bouncer.

Anong silbi ng yaman ng mga magulang at ng angkan ko kung hindi ko gagamitin? Alam nilang malakas ang connection ng pamilya namin at sikat ang mga Castillion kaya gan'on ang reaction nila.

"Pasensya na po Mr. Castillion." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay kinaladkad nila palabas ang dalawa.

"Hindi niyo alam na pader ang binabangga niyo." Dinig ko bang sabi ng isang bouncer ng papalabas na sila.

Kapag may salapi may kapangyarihan. Napangisi ako sa naisip syaka muling bumalik sa pagkakaupo. Nangangalahati na ang laman ng bote ng whisky nang tumunog ang cellphone ko, mawawala sana agad ang init ng ulo ko kung si King ang tumatawag pero hindi e. Si Third. Tinatamad ko 'yong sinagot.

Castillion Brothers Series 2: Second CastillionWhere stories live. Discover now