Book2 ~ Strife ~ 21

Start from the beginning
                                    

Naglalaro sa isipan ko ang posibilidad na mawala si Orion sa buhay ko. Paano nalang kung tuluyan siyang mawala? Paano nalang ako?

Tila nagulat si Leo sa sinabi ko at panandalian siyang hindi nakasagot. "Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Mahal kita at hindi kita kayang pakawalan."

I wanted to protest. I was angry. Kung mayroon pang mas malala sa salitang galit ay iyon ang nararamdaman ko. Gusto kong saktan si Leo at ipaghiganti si Orion.

But suddenly I couldn't breathe and my vision was clouding. The agonizing pain is making me gasp for air.

"Pakawalan mo si Esmé!"

It was Titus. Muli na naman siyang sumugod kay Leo.

Lumundag siya mula sa lupa upang itulak ang kinalalagyan ko. He then surrounded me in crystal clear ice, avoiding the 'bubble' to come back to Leo.

"Ubos na ang pasensya ko. Umalis ka sa harapan ko!"

Inutusan ni Leo ang hangin na gumawa ng bilog na unti-unting kumakain ng kahit na anong malapit dito. At sa pagbitaw ng hangin sa mga bagay na hinihigop nito'y pira-piraso na lamang ang natira.

Buong lakas na nagpakawala ng matatalim na yelo si Titus mula sa kanyang mga kamay. Ngunit gumawa ng harang si Leo, sa lakas ng harang ay nasira lamang ang mga makakapal na yelo.

Hindi pinalagpas ni Leo ang pagkakataon. Muling bumalik ang ipuipo at direktang tumama kay Titus. Nagkasira-sira ang kanyang damit at maging ang kanyang katawan ay napuno ng mga sugat.

Sa pagkontrol ni Leo sa ipuipo ay nahawakan niya si Titus. Nakakalokong ngisi ang kumawala sa kanyang labi nang batid nitong kayany-kaya niya kitilin ang buhay ni Titus sa isang kumpas lang ng kanyang kamay.

Sa pagsara ng kanyang kamao ay siya ring pagkabihag ni Titus sa ipuipo. Nilapit niya ito sa sa bilog.

"Pakawalan mo ang Alamat." Nahihirapan man ay nagagawa pa rin ni Titus na ipagtanggol ako. "Mali ang pilitin mo siya sa bagay na hindi niya gusto!"

Hirap man ay nagawa pa ring magpakawala ng yelo ni Titus at bumalot iyon sa ipuipo. Batid ko ang lakas ng pinapakawalan ni Titus at alam ko ring nagpapahirap iyon sa kanya. Huling lakas na niya iyon. Huling kapangyarihan na.

"Tutulong kami." Sabay na dumating si Inigo at Linett.

Mayroong kapangyarihan si Inigo pero alam kong hindi iyon pang laban katulad nalang ng kina Orion at Titus. Samantalang si Linett naman ay sa espada naman magaling.

Gamit ang mga papel na may orasyon ay gumawa ng pangkontrol na selyo si Inigo. Kapag nagawa ni Inigo ang selyo ay makukulong si Leo sa kawalan at matitigil ang mga ginagawa niya. Ngunit kahit na abala si Leo sa paglaban kay Titus ay nagagawa pa rin niyang kalabanin si Inigo gamit ang mala-bumerang na hangin.

Bawat selyong nagagawa ni Inigo ay nasisira lamang ng hanging bumerang bago pa iyon dumikit sa katawan niya. Samantalang si Linett naman ay maka-ilang beses umatake kay Leo ngunit walang laban ang espada niya sa lakas na taglay ng isang taga-Atmos.

"Kahit magtulong-tulong kayo'y wala kayong laban sa isang tulad ko!"

Gamit ang mga kurbadong hangin ay sunod-sunod niyang inutusan ang mga ito na patamaan ang sina Inigo at Linett. Sa bawat salpok ng mga ito ay malaking pagsabog ang nagagawa.

Sa pagtingin ni Leo sa pagatake sa kanila ay hindi ko na sila makita. Malayo ang distansyang kinabagsakan nila mula sa kinaroroonan ko.

"Ikaw na ang isusunod ko!" Lalong lumakas ang ipuipong pinapakawalan ni Leo patungo kay Titus. Ngunit bago pa man umabot ang yelo sa kamay ni Leo ay may kung anong mabilis na liwanag ang pumutol sa nagyelong ipuipo. Bumagsak ang katawan ni Titus habang si Leo naman ay tumalsik sa malayo. Mabuti nalang at ang mala-bulang kinalalagyan ko ay nakapalibot sa yelo kaya nanatili ako sa lugar ko.

She's the LegendWhere stories live. Discover now