CHAPTER 4:Nice To Meet You,Again

73 22 19
                                    

[A/N:] Yoooo horayyy ito na ang matagal niyo nang hinihintay. Hahaha. Enjoy



"Summer gising na, anong oras na oh. Malalate ka na niyan."sigaw ni mama mula sa labas. Nakauwi na pala sila.

"Hon, bayaan mo muna yung bata baka sobrang pagod lang yan" boses ni Papa yun. Ganyan niya ako kamahal kasi nag iisang anak lang ako, kahit nga mga kaibigan ko ay dapat ko munang idaan sa kanila. That's my parents, super protective. Protective, pero hindi yung nakakasakal na.

"Opo bababa na" tugon ko at nagsimula ng mag ayos ng kama ko. I take a bath first before bumaba ng dinning.

"Good morning dear" bati sa akin ni mama sabay kiss sa cheeks ko.

"Oh kumain ka na. Sasabay ka ba sa amin ng mama mo?"tanong naman sa akin ni Papa.

"Opo pa, baka malate pa kasi ako eh" sagot ko sa kanya at sinimulang nguyain ang tocino.

"Good then."
















***

"Thanks mama, thanks papa. Bye mwuah!" pagkatapos kong magpaalam ay bumaba na ako ng sasakyan.

Kaharap ko ngayon ang isang matayog na kulay asul at puting gate. Nakaukit sa taas nito ang MORRISON ACADEMY ng pa arch.

Third week na ngayon simula magpasukan. At hassle na hassle na kaagad ako. Pumasok na ako ng gate bitbit ang tatlong bags ko.

1 school bag,...and 2 eyebags. Kastress girl.

Nahagip ko naman agad si Autumn na naglalakad mag isa at wari koy may dinaramdam. Tumatakbo ako papalapit sa kanya at nagulat siya sa aking pagdating marahil di niya ito namalayan sapagkat tila baga't wala ito sa sarili.

Ohh noooo baka shapeshifter ito. Hahaha ang OA ko talaga. Best in oa goes to me na jud.

"Oyy bes anong problema?" curious kong tanong dito. Tumingin siya sa akin at yung mukha niya parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Kasi naman eh,..." naiiyak nitong panimula. Ok may mas OA pa pala sa akin. Sana ginawa nalang The 2 OA Friends yung pamagat ng storyang ito.

"What? Spill it Tatum" pagpipilit ko sa kaniya

"Si Elthon," di na naman niya tinapos yung sasabihin niya. Ano ba yan naiistress yung eye bags ko ng tudo ah.

"Ano nga?Sinaktan ka ba nun ha?!! Saan nga yun nag-aaral? Li ka upakan natin!!!" matapang kong sabi, or more like nagtatapang tapangan.

"Ehh hindi,... kasi di na siya nagrereply sa mga chats ko." pasad nitong sabi. Ay sus sarap piktusan ng tinggil nito.

"Maygahds parang yun lang eh. Malay mo busy. Rereplyan ka din nun." pang eencourage ko sa kanya. Habang sinasabi ko ito, may kung anong kirot akong naramdaman dito sa kalooblooban ko.

"Hali ka na nga, malalate pa tayo niyan eh" hinila ko na siya papunta sa classroom namin dahil 5 minutes nalang, magsisimula na ang first period.

Inside the classroom...

"Ok students, gusto kong batiin kayo dahil nakasurvive kayo ng 3 weeks sa school na ito." sabi ng Ginang Helen Zuegirdor, adviser namin. Tapos tumawa siya ng mahina.

Maririnig mo kaagad ang sighs ng mga estudyanteng nasa loob. Kabilang na ako. Di naman talaga maipagkakailang bugbog na kami sa schoolworks kahit third week pa lang namin.

"But anyways, kahit 3rd week na ito, meron pa ring gustong humabol."

Naagaw ni Mrs.Zuegirdor ang aming atensyong lahat. What's with that announcement huh?

BECAUSE I LOVE YOUWhere stories live. Discover now