Weird Day @.@

Mulai dari awal
                                    

"A-Ara..yyy" Napahawak ako sa likod ko na tumama sa sahig. Pero... Sandali! Naalala ko bigla 'yong babaeng kasalubong ko. Agad akong tumayo at tinignan ko kung saan siya tumapon.

Quinna, tumapon talaga? Ano 'yun, basura?

O di, sa'n siya naglanding! Choosy!

Pagpasensiyahan niyo na ako ha? Ganyan talaga ako, kinakausap ang sarili ko. Minumura ko pa nga minsan eh. -____-'

"Miss, ayos ka lang?" Inabot ko ang kamay ko sa kaniya pero bago ko pa man tuluyang maiabot ay tumalon siya.

"Ayos lang!!!" b(^_^)d Pagsigaw niya habang naka-malaking ngiti at naka-thumbs up pa.

Energetic, huh?

"Ah, bag mo ba 'yun?" tanong niya sabay turo sa damuhan.

Bag?

Hala! Oo nga! Wala na sa kamay ko. Agad ko naman itong kinuha at pinagpag.

"Hala! Lagot! Nadumihan na siya..."

"Pasensiya na! Kasalanan ko. Patawarin mo ako... Pangako, magpapakabait na ako!" (._.) sabi niya habang naka-look down. Ang OA!!!

"OA?! W-Wala ka namang kasalanan sa akin ah. Ako nga itong dapat mag-sorry. Sorry!"

"Forgiven!" (^__^) Ganung kabilis ang transition mula sa isang nagmumukmok na isip bata sa energetic mode ulit? Grabe! Siya na weird. "Pero may kondisyon."

"Kondisyon? Ano naman?" sabi ko habang patuloy pa rin ako sa pagpag.

"Friends?" Tama ba ako nang pagkakaintindi na gusto niyang makipagkaibigan sa akin? Sa totoo lang, second sem na ngayon at first year pa lang naman ako pero wala pa talaga akong nagiging kaibigan hanggang ngayon. Ewan ko kung bakit. Siguro, ayaw ko lang talaga? O choosy lang? Ewan!

"Friends?! Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan mo eh."

"Gusto mo malaman?" Para siyang bata.

"Pwedeng oo, pwedeng hindi." Okay, malinis na ulit 'yung bag!

"OO na lang. Ako si..." Nag-pause muna siya at nag-inhale. "... Ma. Elle Jana Horatia L. Breckenridge!"

Sandali... Pangalan niya yun? Haba ah.. Essay lang ang peg?

"Ang haba ng name ko noh?" (^__~)

"Oo nga eh. Buti hindi ka nahihirapan kapag NAT o NCAE, noh?"

"Ah, hindi naman. Ikaw? Ano name mo?"

"Quinna Kendrick."

"Ahhh... Hi! Nice to meet you."

"Same here." Boring ako kausap at aminado ako dun... Kahit kanino, hindi lang sa kaniya. Kaya, siguro walang gustong makipag-kaibigan pero ayus lang. Katulad ng pakikipag-boyfriend ang pananaw ko sa pakikipagkaibigan. Parehas silang istorbo!!!

"So, friends?"

"Yeah, sure."

"Ano course m-- Ay! Sandali, di ba kanina nagmamadali ka? Baka nakakaistorbo na ako?"

"Honestly, yes. Well, pranka ako, sorry." Ganun talaga. Wala tayong magagawa d'on.

"Okay lang. I like it naman eh! Sige na, go ka na."

"Fine... Bye! See you around."

"Okieee!!!"

Ang energetic niya at medyo nakakahawa 'yun. Hindi na ulit ako tumakbo baka may makabunggo nanaman ako. Ayoko na! Ang sakit kaya sa likod. 


Kanina pa ako naglalakad-lakad sa may soccer field pero hindi ko siya makita. Umupo muna ako sa bleachers. Walang nagpaparaktis ngayon pero may isang lalaki roon ang tumatakbo paikot sa buong field.

Hindi Ko Alam Ang Pangalan Ni Crush (Short Story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang