"You were actually right Kiana. Hindi ba sinabi mo noon na malandi ako? You probably remember I told you na aagawin ko sa'yo si Clicko? Malandi ako pero alam ko kung paano gamitin iyon. Hindi ako katulad mo na mahina. If you think I'll let Clicko do that to me, think again."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Hindi niya yata inaasahan na iyon ang sasabihin ko. Akala niya bibigay ako sa harap niya? No fucking way.

"Now If you don't have anything to say, I'd like to go. Thank you so much for telling me." I smirked at agad na kinalas ang lock ng pinto.

Nanginginig ang mga kamay ko na pinihit ang doorknob at mabilis na lumabas. Walang tigil iyong paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa likod ng chapel. May CR rin di kalayuan sa chapel kaya naglakad pa ako ng ilang ulit at agad na pumasok sa loob ng isang bakanteng cubicle.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sikip noon. Ilang sandali pa akong natulala at walang tigil na bumuhos ang mga luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko nang maramdaman na halos humihikbi na ako. This is the hardest kind of crying. Iyong ayaw mong may makarinig sa iyak mo kaya kahit gustong gusto mo ng sumigaw para maibsan ang sakit ay hindi mo kayang gawin.

Pilit kong kinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Kung totoo man iyong sinabi ni Kiana, edi totoo. Gamitin na ako ni Clicko kung gusto niya, kahit kailan niya pa gusto. I just love him and I wanted him to reach his dreams. At kung kailangan niya ako para maabot iyon, edi go. Atleast kahit minsan sa buhay ko may natulungan naman ako.

Damn it, I know I sound so pathetic and so stupid but I don't know why I felt this. What If I'll just ask Clicko about the truth? Hindi pwedi. Baka naman sabihin niya na wala akong tiwala sa kanya at naniniwala ako sa pinagsasabi ni Kiana. Baka iwan niya pa ako dahil nabuking ko na siya tulad ng ginawa niya kay Kiana. Siguro maghihintay na lang ako kung kailan niya ako iiwan?

Inayos ko ang sarili ko at saka lumabas ng CR. Nagmamadali akong naglakad pabalik sa cafeteria. Nakita ko na tapos ng kumain sina Sarah at kumunot ang noo ni Nad habang pinagmamasdan akong papalapit doon.

"Bakit ang tagal mo? Tapos na kami sa pagkain ikaw hindi pa." Nababagot na sabi ni Sarah at ngumiwi.

"Are you okay? Did something happened?" Tanong ni Nad kaya agad akong napatayo ng maayos at umiling. Kinuha ko ang bag sa upuan at sinukbit iyon sa balikat ko.

"I have to go. May training ako mamaya." Pabalang na sabi ko.

"Ayaw mong kumain? Sasamahan ka namin. Mamayang four o'clock pa naman ang pasok natin." Nag-aalala na sabi ni Kazandra kaya umiling ako at ngumiti sa kanilang lahat.

Ayaw kong pagbuntunan sila ng galit ngayon. I love them at sila ang isa sa mga dahilan kung bakit ako pumapasok araw-araw. Ayaw ko na nag-aaway kami.

"I'm okay guys. Kakain na lang ako mamaya okay? I'll see you later." Ngiti ko sa kanila at kumaway. They said their goodbyes to me at agad na din akong naglakad palabas ng cafeteria.

Biglang nawala ang gutom ko dahil sa nangyari. May two hours training pa naman ako mamaya at hindi ako nagsisimula nang walang laman ang tiyan. Pagod kong inayos ang backpack na nakasukbit lang sa kaliwang balikat ko.

Dumiretso na ako sa locker ko at agad na kumuha doon ng mga ipapalit ko mamaya. Naabutan ko sa malayong parte ng mga lockers si Jamal na may kasamang isang babae. I think it's also a sophomore like me pero ibang course lang. Nakasandal iyong babae sa locker at nakapikit pa habang hinahalikan ni Jamal sa leeg.

What the hell? Seriously? Iginala ko ang tingin sa paligid at nakitang iilan lang kaming nandito sa locker area. Lunchtime kaya siguro lahat ay nasa cafeteria. I even heard a little giggles and a soft moans.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now