Chapter Two

34 0 0
                                    

Chapter Two - Distant

Second day of class is already stressful. Siguro gano'n na talaga ang college life. The truth is I want to stop studying and just apply for an architech' licence already. If only that's easy. But no, reaching your dreams won't be easy without studying. Kaya wala tayong magagawa kung hindi ang mag-aral nang mabuti.

Nasa ikalawang subject pa lang kami ay inaantok na ako. Kung wala lang si Jas ay baka kanina pa ako nakatulog. It's not that I am not interested with our lesson. I lack of sleep because Roone and I talked until midnight. We just can't get enough with each other.

I've realize that no matter how many hot and attractive guys you'll line up infront of me, Roone will always have my heart. That's for sure, because I had just proved it yesterday.

Nang dumating ang ikatlong subject namin ay hindi na ako nabahala. Roone texted me saying that he can't take me home tonight because their professor will be present today. Kahapon kasi ay hindi raw ito nakapasok kaya naisingit niya ako sa oras niya.

Roone:
Text me when you got home. I love you, babe.

Me:
I will. Be a good boy, babe! Love you too!

Nakarinig ako ng mga singhapan kaya napaangat ang tingin ko. Nakita kong pumasok si Cisco habang nakayuko. Nakasuot ito ng black t-shirt at dark blue jeans. Cisco is just so simple but his sex appeal is screaming. That's what you called effortless.

I gave him a one glanced then read Roone's text.

Roone:
I am always a good boy, babe.

A smile formed in my lips. You are always a good boy, babe. I so know that.

I don't know what have I done to deserve love like this and man like him. He is so good to be true. He cares for me and he treats me like his real princess. He's always there to make sure that I am safe and protected from harm. And most specially, he loves me so much.

Maybe that's the reason why I fell in love with him. And why I am still badly smitten kahit two years na kami. Walang pagbabago sa raramdaman ko para sa kanya. Gano'n na gano'n pa rin ang tibok ng puso ko kapag kasama siya.

"Okay class, I will give you the remaining time to talk to your partners. I repeat, next week is the deadline," our professor said.

Nagpunta na sa kanya-kanya nilang kapareha ang mga classmate namin ngunit wala pa si Cisco sa tabi ko. I was expecting him to sit beside me but he didn't. Nang tumingin ako sa lugar niya ay agad ko namang nahuli ang mata niyang nakatingin din sa akin.

Tinanguan ko siya, signaling him to transfer here. Thank God and he got my message.

Nakita ko ang pag-aalangan niya bago siya naupo sa tabi ko. Ibang-iba sa ngiting ibinalandra niya noon.

"Are you okay, Cisco?" Sinilip ko ang mukha niyang nakayuko. Kumunot ang noo ko nang halos mapatalon ito sa ginawa ko.

"O-Okay lang ako... uhm ano, mag-umpisa na tayo?"

Nginitian ko siya at tinanguan. Hindi ko alam kung namimilik-mata lang ako dahil nakita ko ang pamumula ng tenga niya. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil baka normal lang iyon sa kanya.

We just talked about our task and nothing else. He is so professional when it comes to this. Ang totoo niyan ay hindi mo aakalaing ganito siya kasigasig sa pag-aaral. Cisco is actually look like a badboy. Iyong features ng mukha niya ay para talagang pambadboy. Iyon siguro ang dahilan kung bakit maraming may gusto sa kanya.

Like hello, every girls are ogling over bad boys nowadays. And the fact that he is studious and family oriented, he's a complete package.

Sana nga lang ay hindi masayang ang kanyang mga katangiang ito kapag nakipagrelasyon siya. I mean, he should chose the right girl for him. Hindi iyong makakasama sa kanya at hahayaan siyang bumagsak.

The Other LoverWhere stories live. Discover now