CHAPTER 1

138 21 2
                                    

Mavis POV:

At dahil isa akong mabuting anak, tinakasan ko si dad, isang dosenang Sermon ang aabutin ko sakanya, at ngayon andito ako sa isang puno malapit sa abandonadong building, at kung tinatanong niyo kung anong ginagawa ko dito, wala trip lang, kanya kanyang trip lang yan mga repa,

"Ay palakang nagtu-twerk" harujusko letchugas naman o-oh nahulog pa yung apple na kinakain ko, tsk binuraot ko pa naman yun dun sa elementary na nakasalubong ko kanina eh pano nung tumakas ako nalimutan ko magdala ng pera, pero kinginamers lang sino bang chaka ang magpapaputok ng dis-oras ng gabi at ng mabigwasan ko,

Teka parang narinig ko yun sa loob ng abandonadong building,maka chismakers nga (chismis) at dahil dakila ako usyusera pumasok ako sa building nasa unang palapag palang ako nagtayuan na yung mga balahibo ko, hindi kaya may multo dito tapos makita ko si chaka doll o kaya multo na na-aagnas ang balat with matching tulo dugo sa mukha, ay langya iling iling kung ano ano nanaman pumapasok sa utak ko, pagkarating ko sa second floor agad akong nagtago sa poste ng makarinig ako ng ingay, tapos nakakita ako ng multo, charot may nakita akong lalaki na halos ipaligo ang sariling dugo tapos napapalibutan ng mga lalaking nakaitim tapos may maskara na pink, yung totoo mga dre, kafederasyon naglalad na mga dre? Anong baklitang espiritu ang sumanib sainyo? Pero mamaya ko na papansinin yun, tutok muna tayo kay kyah na halos in-enjoy na makipag lips to lips sa semento, tulungan ko ba? Kawawa naman si kyah, mga wala silang puso, atay, balun-balunan, esophagus, liver teka diba yung liver tapos atay pareho lang, aish maya na nga yan atay at liver na yan, at dahil may konsensiya ako mga 10% napagpasyahan kong tulungan si kyah. Bago ako lumabas sa pinagtataguan ko isinuot ko muna ang hood ng jacket ko.

"Hoy mga gorilyang mukhang asong ulol na nalahian ng kabayo, pakawalan niyo siya" sabay turo dun kay kyah na talagang knockout na talaga,

"Di ko gusto ang tabas ng dila mo, Sino ka ba? Kung gusto mong makita ang sikat ng araw wag ka na lang makialam,at napakasakit mong magsalita " sabi naman nitong mukhang baboy na kinabog pa yung ngipin ni mr. Keso with matching talsik saliva pa, gross kadirdir ang langya

"Ang tanong gusto ka ba ng tabas ng dila ko, tsaka letchon este baboy, este tabs wag ka na magtaka truth hurts talaga, at di na importante kung sino ako, baka hindi kana mabuhay para sabihin ang pangalan ko"

"Abat talagang matapang ka, hindi ka ba natatakot samin? " sabay ngisi, ay dre di uso toothbrush sainyo? Hiyang hiya naman yung kulay na dilaw sa ngipin mo, ano kyah kasing dilaw na nung tatlong star sa bandila ng pilipinas

"Bakit ako matatakot sainyo, sariling takot ko nga tinakot ko na" sabay ngisi, teka nga ubos oras naman to si bab's (short for baboy) baka ma dedo na si kyah, mapuntahan nga muna, bago ako makapunta kay kyah eh biglang may sumugod na toothpick este tao pala mukha lang toothpick habang sumisigaw kagaling tapos sumigaw siya ng DARNA charot lang baka kahit mala jolen na bato di niya malunok tapos yung bato pa kaya ni darna, langya natatawa na lang ako sa kalokohan ko, suntok lang siya ng suntok buti di nagkakalasan yung mga buto niya, ako naman iwas lang ng iwas wawa naman to baka pag binigwasan ko to tumalsik sa pluto, pwede na din libre pamasahe libre meet up din sa mga alien, teka pano ako napunta sa topic na yan, aish at dahil maawain ako (maawain daw) sinampal ko na lang ayon tulog, agad naman nagsisugod yung iba, ay dre pwede isa isa, langya wala akong nagawa kundi lumaban, susuntukin na sana ako nung isa pero nakaiwas ako kaya ang siste yung kakampi niya yung nasuntok niya ayun black eye, iwas, suntok, sipa, bend, tumbling, 360, tapos tayo, teka may nakakapa ako sa bulsa ng jacket ko *smirk* dagger yung niregalo ni dad na pinasadya niya, may naka engrave na MVM nice, now, now mwahahahaha .mwahahahaha *cough*cough*cough* langya, sugod sila ng sugod ako naman iwas dito iwas dun tapos pinapadaplisan ko lang sila sa tuhod para di na maka sugod pa duh, di naman ako ganun ka brutal minsan lang, may isa naman sumugod na matangkad ang ginawa ko sinikmuraan ko na lang siya aba di ko kaya suntukin sa mukha, hiyang hiya naman yung height ko sa kanya diba at sa wakas lima na lang sila, may dalawang sumugod sakin at sabay na sumuntok syempre umiwas ako duh try mo kaya magpasuntok ng times two, ng makapag bend na ako hinarap ko sila pareho tapos pinag untog ayon knockout. Tatlo na lang, pagod na ko,marami rami na ring pasa ang natamo ko ikaw ba naman makipag bakbakan sa mahigit limampo katao aber, kumuha yung isa ng baseball bat at pinatunog mga dre bakal tapos yung dalawa naman kumuha ng katana, mga teh, kyah hiyang hiya naman yung dagger ko eh noh, tiningnan ko si kyah na naka handusay kanina, nakatayo naman din siya pero kita mong nanghihina pa, at dahil di ko na talaga keri tumakbo ako papunta kay kyah at hinila siya palabas ng building, takbo lang kami ng takbo hanggang sa makapunta kami sa isang park, halos habol habol ko ang hininga ko, jusko napakalayo ng tinakbo namin,

"Uy, kyah ayos ka lang ba?"
After a minute di pa rin siya nagsasalita luh,pipi siguro to, nangg normal na ang paghinga ko umayos ako ng tayo tapos hinarap siya, tulaley ang tema ni kyah,

"Uy, ok ka lang ba?" ulit ko sabay wagayway ng kamay sa mukha niya, tulaley pa rin sa mukha ko, hindi kaya bulag to? Tapos napagtripan nung mga gago?

"Y-yo-you're a girl?"
Ay why state the obvious kyah kaya nga boses babae diba,ay teka natanggal yung hood, kingina bawal akong mabisto baka kakilala to ni dad knowing him maraming koneksyon baka sermonan ako nun na nakipag basag ulo nanaman ako. Naglakad na lang ako palayo, hay mavis ano nanamang gulo ang pinasok mo,

"T-teka lang, s-salamat pala"

"No prob."

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa kamay ko, si kyah pala,aba kala niya mapipigilan niya ko sa pahawak hawak ng kamay porket gwapo siya,

"Ano?" sabi ko nga diba, psh.

"Pwede ko ba malaman ang pangalan mo?"

"You don't need to know"

Sabay lakad paalis, hindi niya pwedeng malaman ang pangalan ko malay ko bang isang gang pala sila tapos modus to, diba mahirap na magtiwala ika nga nila "you'll never know how things are real if demon fly in angels wing"

ADRASTIEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon