"Kuya mo nakabuntis! Kung hindi pa tinangay ng babae ang anak niya, hindi siya magsasabi ng totoo!" Sigaw ni Kuya Stratus kaya nanlaki ang mga mata ko at napasulyap kay Kuya Commulus na pagod na hinilamos ang mga palad sa mukha.

What? Really? Sino iyong babae? Holy shit, I have a fucking niece or a fucking nephew? Napalingon ako sa kanila ni Daddy na tapos na yata sa pag-uusap. Nakipag-kamayan na sila Jargo at Martin kay Daddy gayon din kay Kuya Stratus.

"Don't worry Commulus, we'll do everything we can para mahanap sila." Tapik ni Martin sa balikat ni Kuya Commulus. Tumango naman siya pero bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala.

"I'll go with them." Napalingon ako sa likod ko at nandoon pa pala si Clicko. He kissed my forehead at niyakap ko naman siya bago siya naglakad sa tabi ni Jargo.

Agad ding umalis sina Martin pagkatapos ng pakikipag-usap. Nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Nabasag lamang iyon nang magsalita si Kuya Stratus.

"I already informed my best men, Dad. Nagsisimula na silang maghanap." Aniya at tiningnan si Kuya Commulus.

"Dad please. Gagawin natin ang lahat." Naiiyak na sabi ni Kuya Commulus.

Natulala ako sa kanya. I've never seen him like this na iyong parang naiiyak na pagod. His child is missing and his girlfriend, ni hindi ko nga alam na may girlfriend pala si Kuya. I thought there is something going on between him and Ate Agnez.

"Of course, Commulus! Sa tingin mo papayag ako na matangay ang apo ko ng ganun ganun na lang? Kailangan mahanap mo ang mag-ina mo sa lalong madaling panahon! And when you do, dito sila sa bahay ko titira, sa ayaw at sa gusto ninyo!" Parang kulog ang boses ni Dad. Walang may nagsalita sa amin kahit isa. Huminga ng malalim si Dad bago umalis sa harapan namin.

Sumunod naman si Kuya Stratus na tinapik muna sa balikat si Kuya Commulus, bago lumapit sa akin at hinalikan ako sa gilid ng ulo ko.

"Magiging okay din ang lahat Commulus. Take some rest, baka bukas may balita na tayo." He said habang nasa tabi ko na. Tumango naman si Kuya Commulus sa kanya at nagpasalamat.

"Goodnight Kuya." Paalam ko kay Kuya Stratus. Kumunot ang noo niya sa akin.

"May hindi ka sinasabi sa amin. Bukas mo na sabihin." Aniya kaya napaisip ako. Anong hindi ko pa sinasabi?

Nagpaalam na rin ako kay Kuya Commulus na mauuna na sa pag-akyat sa taas. Masyado akong napagod sa byahe kaya nagpahinga muna ako saglit bago naglinis at naghanda sa pagtulog. Tumawag din si Clicko sa akin pero maikli lamang iyon dahil matutulog na rin siya.

Naisipan kong lumabas muna at uminom ng tubig dahil hindi ako makatulog. Napatingin ako sa labas nang makita doon si Kuya Commulus na nakaupo sa hagdan at may tatlong lata ng beer sa gilid niya.

Naaawa ako sa kanya. Hindi siguro siya makatulog kakaisip sa nawawala niyang anak at girlfriend. Sa lahat ng kuya ko kay Kuya Commulus ako hindi masyadong malapit. Para siyang may sariling mundo at palaging seryoso, iyong mukhang hindi mabiro at palagi dapat lahat ay magawa mo ng tama sa mata niya. Eh, hindi naman ako ganoon. Palpak ako palagi at pasaway kaya siguro hindi kami ganoon ka close, hindi tulad nina Kuya Cirrus at Kuya Stratus.

"Kuya..." Napalingon siya sa akin habang umuupo ako sa tabi niya. Namumula ang kanyang mukha at namumugto na rin ang mga mata, siguro sa kakaiyak.

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya sa napapaos na boses. Kumuha ako ng isang lata ng beer sa gitna naming dalawa at binuksan iyon. Napatingin siya sa akin.

"Umiinom ka nito?" He asked kaya tumango ako.

See? Hindi niya alam na umiinom rin ako because we never hang out, once.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now