"Jasmine! Ang challenge naten ngayon ay paramihan ng makakain na rice"

"Wow Lei, exciting naman ng date naten! May contest pa talaga." Hahaha, gagamitin ko lahat ng pampakilig ko kay Jas today at tignan naten kung effective sa kanya.

After ng 3 rice nagpahinga muna ako, nakuha ko ang teknik na ito sa isa sa mga kasama ko sa call center. Tapos ay uminom ng marameng iced tea para mapawiwi ka. Kapag nagawi ka sa banyo, bababa yung kinaen mo pansamantala. Nagresume ako sa pagkaen ng rice after 30mins pero si Jasmine mukhang busog na. Lol, maganda ang friendly competition sa magkarelasyon kase ito ang magpapatibay ng bond niyo. 

"Jas, nakailan ka na?"

"14 na, kaso busog na ako eh, mukhang talo ako ah" sa sinabeng yon ni Jas napasapo ako sa Iced Tea.

*gulp

"Jas, hindi ko na ren kaya,  10 lang ang nakaen ko kea ikaw ang winner!" 10 daw, eh pang-apat pa lang tong kinakaen ko ngayon. Grabe hindi ko kakayanin ang babaeng ito. Dinaig pa si Ara.

"Wow angsweet naman ng mahal ko, nagpapaubaya para lang manalo ako" ayan sige lang, isipin mong nagpaubaya ako, sa totoo lang sumuko ako ee XDDD.

-----

-moa eye-

Eto na ulit, makakaget-over na ako sa nangyare dito sa Ferris Wheel na toh. Finally after 4 years, natry ko na siya ulit. Habang nasa pila pa lang kame, nagstart na silang pailawin yung mga LED na nakakabit sa Ferris Wheel. Malapit na ren kaseng magdilim. Nung makita ni Jasmine ng malapitan ang MOA Eye, sobrang naamaze siya na parang bata. Hindi pa pala niya naexperience ito ng ganito kalapit. After mga 15mins na paghihintay sa pila, finally makakasakay na kame. Pagsakay namen ay ini-lock na nila yung pod. Nung nagsisimula na kameng umakyat, nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata ng mahal ko.

"Lei! Angganda dito, sana magstop toh kapag nasa pinakataas na tayo."

"Sana nga pwede yun, angganda talaga kase ng view kapag nasa taas ka na!" siyempre hindi ko naman iniisip na huminto yung Eye bigla diba? Pero nung saktong kami na yung pod na nasa pinakatuktok. 

*booosh (sfx ng humintong machinery)

"WAAAH! Lei! Huminto talaga tayo oh!"

"Oo nga eh, for sure naman maaayos din nila yan. For now let's enjoy the view!"

Inabot ko ang kamay niya at ganun din siya saken tapos sabay kaming tumayo para magbalance yung pod. Sabay nagselfie kame with the view sa baba. Sobrang saya ng experience this time, nabura lahat ng masamang ala-ala ng MOA Eye sa akin. After ng mga 15mins umandar na ulit ang Ferris Wheel at nakababa na ren kame pagkatapos. 

After nun naglakad lakad kame habang nakatingin sa dagat. I held her hands and dahan dahan na nagsway. Literal na HHWWPSSP (Holding Hands While Walking Pa-Sway Sway Pa) ang ginagawa namen. This time, I am no longer concerned whether may mga lalakeng nakatingin sa Girlfriend ko at iniisip na ginayuma ko siguro. My Jasmine is not a Trophy Girl Friend na pandisplay lang. Ito ang babaeng minahal ko at nagmahal din sa aken ng totoo. 

"Lei..." biglang sabe ni Jas.

"Why baby?" naks, maka-baby wagas.

"If ever na bumalik si Yurie at sabihin sayo na handa na siyang mahalin ka, anung sasabihin mo?"

"Bago ko sagutin yan, may tanong ako... SI SWIPER THE FOX ka ba?"

"Ha? Baket?"

"Kase... you swiped my HEART away from me eh." hahaha its been a while since last na nagpickupline ako noh.

My Imaginary Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now