Chapter 16

11.1K 491 104
                                    

Tumayo siya at humakbang ng isang beses palapit sakin.


"Who the hell is he?! You almost kissed!" nanggigigil niyang sambit. Pigil na pigil ang galit niya. Alam ko dahil pinipilit niyang maging mahina ang boses.



Should I tell her?



Lumingon muna ako kay Gio na ngayon ay nakatingin lang samin. Kunot ang noo niya. Marahil ay nagtataka sa kung ano ang pinagsasagutan namin dito.



Nginitian ko lamang ito bago senyasan na maghintay.



Nilapitan ko si Amanda at hinawakan ang kaliwang braso niya. Isinama ko siya sa labas. Alam ko na hindi niya tahimik na tatanggapin ito. Ayoko lang na mapansin kami ni Gio



Hinarap ko siya. Nakamasid lang naman siya sakin. Naghihintay ng sasabihin ko. I held the hem of my shirt with both of my hands. Pampawala lang ng kaba.




Huminga ako ng malalim bago salubungin ang tila nagbabagang mga mata ng babaeng nasa harapan ko.




"He's Gio. He is my boyfriend." I told her.  Bakas ang pagkabigla sa mukha niya. Wala akong mabasang ano mang emosyon sa mga iyon. It took minutes bago siya makabawi.



Her eyes suddenly held different emotions I can barely read. Para akong nanlumo sa nakikita ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita.



"W-what did you j-just say?" garalgal ang boses na tanong niya. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko at inalog yon ng konti.


"Answer me!" she demanded. Napahigpit ang hawak ko sa dulo ng tshirt ko nang mapansin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Lumalalim din ang bawat paghinga niya.




Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niyang nakahawak sa braso ko. Mahigpit. Hinawakan ko iyon at pinisil ng may kahigpitan bago ko hinawi paalis sa braso ko.



"That guy inside is my boyfriend. Nobyo, kasintahan, syota, jowa o kahit ano pa mang pwedeng itawag sa amin. Nakuha mo naman siguro ang gusto kong sabihin diba?" Hindi siya umiimik. Naging blangko ulit ang mukha niya.




"Amanda, tigilan mo na ako. Ayokong magkagulo kami ng boyfriend ko. Marami namang iba diyan. Maganda ka. Caring. Maraming nagkakandarapa sayo." Kinuha ko ang dalawang kamay niya. Pinisil ko ang mga yon ng mahigpit



Natigilan ako sandali nang makaramdam ako ng kuryente sa mga kamay naming magkahawak. Ipinilig ko ang ulo ko. That's nothing.



"Maghanap ka ng taong kaya kang mahalin, Amanda. W-wag—Wag kang manlimos ng pagmamahal." yon lang ang sinabi ko. Tumalikod na ako para sana bumalik sa loob.



She held my shirt which made me halt. "Bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanya? Emryse, inalam ko ang lahat sayo. Bakit wala akong nalaman tungkol sa kanya? Are you doing this to avoid me? You can't get rid of me that easily, babe. Magiging tayo pa.You'll love me soon." Mahabang litanya niya. Bigla akong naawa sa kanya. Her emotions were indescribable. Masyadong magulo.




"Hindi ko ginagawa ang lahat ng ito para umiwas. This is all real. May boyfriend ako at mahal ko siya." napayuko siya sa narinig.




Aalis na sana ako pero muling humigpit ang hawak niya sa damit ko.





"I-iwan mo siya, hon. P-please, ako n-nalang. H-hindi naman ako mahirap m-mahalin, Emryse. Ako nal-lang." hirap na sabi niya. Nagpipigil siya ng iyak. Umiling lang ako bilang sagot. Parang maiiyak na din ako sa ginagawa niya.




"P-pero mahal k-kita, Ryse." nagmamakaawa ang tingin niya sakin. Nabigla ako sa sinabi niya. Mahal?




"I-ilang buwan mo palang akong kilala. Paanong nangyari na mahal mo agad ako? Maybe, you are just infatuated with me. Infatuation lang to."





"No! I know what I feel for you. This is the first time I felt like this. This is different. I love you, Em and this is not infatuation."



"Amanda."




"P-please, love me. Choose m-me. Emryse, please." bumabalong na ang mga luha sa kanya. Para akong dinaganan ng ilang libong kaban ng bigas sa pag iyak niya. But I need to do this. Mas lalo lang siyang masasaktan kung patatagalin ko pa ang lahat. Mas mabuti nang ngayon palang ay sabihin ko na sa kanya na hindi kami pwede at kailan man ay hindi magiging kami.





For an unknown reason, ako man ay nasaktan din sa isiping iyon. Pity. Yan lang ang naiisip kong dahilan ng sakit na nararamdaman ko.






"Amanda, S-stop begging for love. You d-deserve someone better. M-maghanap ka ng taong mamahalin ka. Yung kayang suklian ang pagmamahal mo. W-wag ako." halos pumiyok ako sa mga sinabi ko. Naiiyak na din ako. Pulang pula na kasi ang mukha niya maging ang kayang mga mata. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at inangat. Nakayuko kasi siya ng konti.






"Believe me, you'll find your other half soon. Kapag dumating na ang taong yon, tatawanan mo nalang ang lahat ng ito. Okay?" Binitawan ko na siya. Aalis na sana ako kaso nakahawak pa siya sa damit ko.




Her hand is holding my shirt tight. She held it like her life depended on it.





Tinignan ko lang siya ng mataman. Unti unti niyang binitawan ang t shirt ko.





"I'm s-sorry." hindi siya nagsalita. Naglakad na ako papasok.





Nang makapasok ako ay siya namang salubong sa akin ni Gio.



"Anong nangyari? Sino yon?" sinusulyapan pa niya ang babae sa labas. Isang pilit na ngiti naman ang ipinakita ko sa kanya.





"W-wala. May hindi lang kami pinagkaintindihan. Don't mind it. Kain na tayo." nagtataka man ay iginiya niya ako pabalik sa mesa namin.




Wala na akong ganang kumain pero hindi pwedeng makahalata si Gio. Ayaw kong masira ang gabing ito.




Ang bigat ng loob ko. Pakiramdam ko, mayroong nakabarang isang bagay sa lalamunan ko. Ilang beses akong lumunok ng laway pero wala pa din. Kahit siguro gaano pa karaming tubig ang lulunin ko ay hindi noon matatanggal ang bara.



Nang makaupo kami ay sinulyapan kong muli si Amanda na ngayon ay nakatingin dito. May mga luhang namamalibis sa kanyang magandang mukha. Nag iwas siya ng tingin at nagpakurap kurap nang magkatitigan kami.




Ilang minuto pa siyang nakatayo lang doon hanggang sa magsimula siyang maglakad. Sinundan ko siya ng tingin. Nang hindi na siya maabot ng paningin ko mula sa kinauupuan ko ay tumayo ako.




"babe?" napatingin ako sa boyfriend ko. "Saan ka pupunta?"



"May titignan lang." naglakad ako palabas sa pinto. Sinilip ko ang kinaroroonan ni Amanda. Nag aalala ako. Gabi na din kasi. Baka mapaano siya sa daan. Nakatingin lang ako sa likod niya hanggang makasakay siya sa kotseng sinakyan niya papunta dito.

"I-I'm so sorry." bulong ko sa hangin.

Amanda.

------------------------------

01-10-18

HarayaWhere stories live. Discover now