Chapter 4

15.6K 600 16
                                    

Palabas na ako sa campus kasama ang isa sa mga kaibigan ko. Ang daming nakamasid sa amin (akin). Ano na ba? Kumalat na ba sa kanila yung sinabi ng "reyna"? Grabe naman! Medyo kinikilabutan na ako sa tingin at bulungan nila.

Kahit mga kaibigan ko kasi na nasa malayong building ay alam na yung nangyari kanina. Heto nga at sinundo na ako ni Amara para wala na daw takas. May utang daw akong kwento.

"Momshie, instant famous ka ah!" Natatawang sabi nito. Kita nang hirap ako sa pagtatago, inaasar pa ako.

"Famous ka diyan. Instant disaster to kamo. Bilisan na nga natin. Kanina mo pa ako inaasar." Inis kong sabi sa kanya.
Tinawanan lang ulit ako nito.

"Paano ka ba kasi napansin ni Queen?"

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong niyang yan. Napakamot nalang ako sa ulo ko.


Paano nga ba? Hmm...

MONDAY
(FEB. 27, 201*) First Monday after UDays






Walang pasok dahil nagpapahinga pa ang mga teachers at ang Student Council.





I suddenly craved for a Vanilla flavoured Ice cream so I decided to buy one. Tinigilan ko muna ang paggawa ko ng assignment para lumabas saglit at para narin maipahinga ko ang utak ko. Hirap pala nito!





Sumasakit na ang ulo ko sa kakasolve ng mga mathematical problems sa sobrang dami. Alas tres na ng hapon pero hindi pa din ako tapos sa paggawa nito. Kanina pa akong alas dose ng tanghali nagsimula. Ni hindi pa ako nakakakakain.





Hindi ko na pinalitan ang puting plain V-neck shirt na suot ko. Itinupi ko muna ang jogging pants ko hanggang tuhod at saka ko inabot ang paborito kong maroon cap(isa sa dalawang baseball cap na meron ako) na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko.




Paglabas ko sa backdoor ng apartment na tinutuluyan ko ay kinuha ko ang bisikleta na nakasandal sa pader ng bahay. Hinila ko ito hanggang marating ko ang gate.





"Oh, hija! Saan ang lakad natin?" Bating tanong sa akin ni Aling Julieta na nakatira sa katabing apartment unit.





"Diyan lang po. May bibilhin lang saglit." Nakangiting tugon ko dito.







"Mag iingat ka sa daan, hija. Naku, mahal ang pagpapagamot ngayon."






"Oho. Maraming salamat po. Kayo din po, wag masyadong magpapagod. Hayaan niyo na pong yung mga anak niyo ang kumayod." Masipag kasi siya kaya kahit matanda na ay naghahanap buhay pa din.





Nagtitinda siya ng mga candy at sigarilyo sa daan para kahit papaano ay kumita. Hindi din naman kasi kataasan ang sweldo ng mga anak niya na nagtatrabaho bilang katulong sa ibang probinsya.




Matapos kong bumili ay naupo muna ako sa isang bangko sa park na katapat lang ng convenience store na pinagbilhan ko ng Ice cream. Pinagmasdan ko ang mga batang masayang naglalaro.




Hay, nakakamiss maging bata. Ngayon ko narealize ang mga regrets ko. Sana pala mas in-enjoy ko ‘yong pagkabata ko noong may pagkakataon pa ako. Noon kasi, mas pinili kong gumawa ng mga paraan para mapansin ako ng mga magulang ko. Hay, wala din naman akong napala kasi nakatuon ang atensyon nila don sa isa.





Bukod don, I also chose watching anime or cartoons than going out with friends. I admit, I was a bit aloof then. Nagbago lang ako nang pumasok ako sa high school (dito sa Pilipinas na) hanggang ngayon.




HarayaKde žijí příběhy. Začni objevovat