Chapter 1

26.2K 713 115
                                    

EMRYSE FABIAN

“Eeeeeeemmmm!” shocks! Nagmamadaling itinaas ko ang suot kong panty kasabay ang  jeans at hinila pataas ang zipper nito. Hindi na ako nakapaghugas sa pagmamadali ko. Hehehe

Baka mapatay na ako ng bestfriend kong bubuga na yata ng apoy sa pagkainis. Paano, kanina pa siya tumatao sa Jail booth ng section namin dahil kaming dalawa ang nakatoka magbantay ngayon. Pinakiusapan niya akong bumili ng tubig dahil uhaw na uhaw na daw talaga siya. Naawa naman ako kay bes kaya pinagbigyan ko.



Pagka bili ko ng tubig, napadaan pa ako photo booth na binabantayan ng isa pa sa apat kong mga kaibigan. Medyo nakipagchikahan saglit. Haha. Okay, mga 45 minutes siguro.

Naalala ko lang na bumalik sa booth namin nung biglang dumami yung mga estudyante nagpapakuha ng picture. At dahil naiihi ako, dumaan muna ako sa banyo na dinaig pa yata ang laban ni Pacquiao sa haba ng pila.


Haist. Gawin daw bang dressing room ang Cr at dahil diyan, ang ending, inabot ako ng treinta minutos bago makaupo sa trono. Hahaha. Madami kasi talagang tao ngayon sa University.



February 20. Ang unang araw ng University Days namin at kagabi ang opening. For the first time in my college life, nag attend ako ng UDays since nasa huling taon ko narin naman ito. Might as well enjoy it.


Hindi ako mahilig magpunta sa mga ganitong events kasi naman ginagawa kong bakasyon yung week-long activities dito.

Ang dami naman kasing ganap. Kakapagod pa. Nood dito, nood doon. Iniisip ko palang na halos maghapon kaming mag papakalat kalat sa University, tinatamad na talaga ako ng bongga. Hahaha


Mabilis na nilapitan ko si Cara nang Makita ko ang pikon na pikon niyang mukha.


“Patay.” Huminga ako nang malalim bago ko siya tuluyang lapitan. Breathe in, breathe out.

“Hi, bes! Musta?” inosenteng tanong ko.



“Musta? Musta?! Kanina pa kita hinihintay!” asik niya sa akin. Pulang pula ang mukha niyang nakatingin sa kin.


Pinagpapawisan din siya ng matindi at hindi mapakali sa kinatatayuan niya. Anyare? Natatawa ako sa hitsura niyang parang ano mang oras sasabog na siya.

“Saan ka galing? Pinabili lang kita ng tubig!”

“Relax. Nagpunta pa ako sa banyo malapit dito. Ihing ihi na talaga kasi ako tapos ang daming pang tao. Bakit ba kasi?” tanong ko sa kanya.

Kunot noong nakatingin ako sa mga ikinikilos niya. Para siyang bulateng galaw ng galaw.

“Hoy, anong nangyayari sayo?” natatawang sabi ko dito. Sinamaan lang ako nito ng tingin.

“Tissue.” Huh? Tinaasan ko ito ng kilay.

“Ano?”


“Shit! May tissue ka ba diyan?!” Tumango ako bilang sagot. Inilibas ko ito mula sa back pack ko at iniabot ito sa kanya na mabilis naman niyang hinablot. Walang anu-ano’y nagtatakbo na ito palayo.

“Ikaw na muna diyan!” sigaw nito habang tumatakbo papunta sa likod na bahagi ng Unibersidad. Saan naman kaya ‘yon pupunta?


Takang hinatid ko nalang siya ng tingin papunta sa kung saan man siya pupunta. My Golds! Nakayuko at nakahawak siya sa tiyan niya habang tumatakbo. Minsan tumitigil siya ng ilang segundo tapos tutuloy na. Hindi ko malaman kung anong ginagawa niya.

HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon