"w-wala naman problema kay kuya. I'm just happy kase dumating ka sa buhay namin ni Dad. Tandaan mo mahal ka namin ni Dad. Mahal na Mahal..." Then he kissed my forehead. Hindi ko alam kung anong sinasabi nya. Masaya rin ako na marinig sakanya yun. Na Mahal nila ako ni Dad. At Mahal na Mahal ko rin sila. May parte rin na malungkot kase pakiramdam kong may hindi tama...

Kakatapos lang namin kumaen ni Chace at ngayon tahimik lang kaming naglalakad sa park. Sa pamilyar na park na una kong napuntahan. Sa Memory Lane...

Naupo lang kami sa bakanteng upuan. Marami rami ring tao. Tulad ng unang punta ko rito. Halos hindi nabawasan ang mga bumibisita sa magandang lugar na to. I must agree. Maganda nga dito. But still... I find it weird.

"Lex... K-kung malaman mong nagsinungaling kami ni Dad sayo. Magagalit ka ba?" basag nya sa katahimikan. Seryoso syang nakatingin sakin pero bakas pa rin ang lungkot sa mata nya. Ano bang problema kuya?

"Hindi." tipid kong sagot. Totoo naman. Hindi ako magagalit sakanila kung ano man ang tinutukoy nya. Pero masasaktan ako kapag nangyari yun. At madaming tanong ang gugulo sa isip ko. Hindi ko pa nga matandaan ang lahat lahat tapos may gugulo nanaman sa isip ko? Sana mali lang ako ng kutob.

Tama ba ako ng nakikita may nagbabadyang luha sa mata nya. Magsasalita pa sana ako kaso bigla naman sya nag-iwas ng tingin at tumingala. Mariin nyang ipinikit ang mga mata nya. Habang kagat kagat naman nya ang labi nya. Tila pinipigilan nyang umiyak.

"Natatandaan mo ba yung kaibigan namin ni Jin? Si A-andrew... Mabait sya. You should meet him personally. At isa pa--"

"Why should I? I mean kilala ko na sya pero I don't think na dapat ko rin syang maging kaibigan. Okay na kilala ko si Jin as your friend. Okay na ko dun Kuya. Now tell me, ako lang ba o tama yung nararamdaman kong you pushing me away? Kung may problema ka sabihin mo naman sakin..."

"Im sorry princess... Itinatama ko lang ang bawat pagkakamali..."

Hindi ko masyado narining yung sinabi nya. Biglang tumunog kase ang Cellphone nya. Pagkasagot nya nito kilala ko na agad kung sino ang kausap nya. Si Dad.

Lumayo sya saglit para makapag usap sila. Isang malalim na buntong hininga nalang ang pinakawalan ko. At tumayo narin ako at naglakad lakad. Mabigat ang pakiramdam ko.

Una, hindi ko maintindihan si Kuya. Pangalawa, b-bakit hindi bumibisita si Jin. Somehow, I felt that I wanted to see him. Yayakapin nya kaya ako ulit? Kase nalulungkot ako ng sobra. S-sabi nya kase h-hindi nya ako iiwan. P-paasa sya! Nakakainis.

Mas lalo ata akong malulungkot kung malalaman kong nakabuntot nanaman ang tangang yun sa babaeng nagugustuhan nya. Naiinggit ako na ewan. Kourtney. Hindi ko pa sya kilala pero naiinis nako.

*BLAG!

"Ouch!" I whinned. "Oh my God! I'm S-sorr--" napatingin ako sa babaeng bumangga sakin. Namumutla ang itsura nya at tila naputulan ng dila dahil ni hindi man lang nya magawang magsalita muli. Nanlalaki ang mata nyang nakatingin sakin.

"tititigan mo nalang ba ako? Miss you bumped me and you'll just stare?" Sabay irap ko. Nakakainis naman kase. Ang lawak lawak ng park tas magkakabungguan pa kami.

Tumayo ako magisa habang sya tila na estatwa sa kinatatayuan nya. I raised my eyebrow.

"M-mag p-papaliwanag a-ko." Nauutal nyang salita. Sino ba tong babaeng to? At ano ang ipapaliwanag nya? Na di ako tumitingin? Okay Fine! kasalanan ko rin pero mas kasalanan nya sana umiwas sya!

HER REASONSUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum