CHAPTER 23

106 9 0
                                    

STEVE'S POV

A week ago, Chace suddenly called me. I already know na its about Alexa again. Sya lang naman ang nagiging tulay namin ni Chace palage. At masaya ako sa pagkakataong ito. Sobrang saya. Dahil naging malapit muli ang pakikitungo nya sakin.

Noong mamatay ang ina ni Chace ay lumayo ang loob nito sakin. Malaki ang pagkukulang ko sakanya. Dahil sa Depresyong naramdaman ko noon. Ni hindi ko na magawang asikasuhin pa pati na ang naglalakihang negosyo ng aming pamilya. Unti - unti itong bumabagsak. Mabuti nalang ay isinalba ito ni Chace. Sa murang edad nya ay isang napakalaking responsibilidad agad ang kinaharap nya. Alam kong sobrang hirap ng pinagdadaanan nya dahil hindi lang naman ako ang naiwan... kundi pati sya.

Pero dumating ang pagkakataong napalapit ang loob nya sa akin. Bumalik kami sa pigurang, isang buong pamilya. Pamilyang inaasam asam ko noon. At iyon ay dahil narin sa pagdating ni Alexa sa buhay namin.

"D-dad..." mahihinang hikbi ang kasunod na narinig ko mula sa nagiisang anak ko.

May anong kirot ang naramdaman ko sa aking puso. I don't want to hear my son's sobs. Iisipin ko pa lang na nasasaktan sya. Ay dobleng sakit na ang nararamdaman ko.

"Chace... May problema ba anak?" Kalmado kong sagot.

"Dad, listen. T-they... they already f-found A-alexa..." and his sobs broke each words he's spilling. "A-ayoko D-dad. Ayoko mawala satin si Alexa. P-please bumalik nalang tayo sa states. Ilayo natin s-sya D-dad..."

Tahimik lang akong nakikinig sakanya. Alam kong dadating rin ang araw na mahahanap na si Alexa ng tunay nyang magulang. Si Alexa na para sa akin ay parang tunay ko nang anak.

"Dad, Can I be selfish this time?"

Napabuntong hininga ako ng malalim bago ko sya sinagot.

"Chace, we can't... Alam nating dalawa na dadating ang araw na to. At babalik pa rin ang ala ala nya. Hindi natin sya pwedeng itago panghabang buhay. Ayaw mo naman siguro syang mabuhay sa puno ng kasinungalingan."

Kasinungalingang alam kong hinding hindi ko pag sisisihan. Ginawa ko lamang iyon para narin sa kaligtasan nya. Masakit, Oo. Sino bang hindi maaapektuhan. Parang anak ko na rin sya. Pero kahit bali-baliktarin pa ang mundo. Hindi pa rin sya maituturing na akin.

"Dad, Hindi ko kaya..."

"We'll fix it. Uuwe ako dyan. I'll give you a call. Settle all the meet ups sa family nya. And we'll talk to them first before Alexa. Now son, listen to me. I know you love her. But.. we can't hide her from her real family. I hope you get my point. I love you both. Please do take care of her. "

Matapos ang usapang iyon eto ako ngayon kinakabahang kakaharapin ang katotohanan. Katotohanang magpapabago nanaman ng mundo ko. Mundong mawawalan nanaman ako ng mahalagang tao sa buhay ko.

Sa di kalayuan ay natatanaw ko na si Chace kasama ang nag iisang prinsesa ng buhay namin. Tumakbo ito palapit sakin.

"Daddy!" isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sakanya. Kumirot ang puso ko. Ito naba ang huling beses kong maririnig yang salitang 'Daddy' sakanya. Huwag naman sana... Dahil kahit ako ay ayaw ko syang bitawan.

"Dad.." Ani ni Chace. Ngumiti lang ako bilang tugon.

Agad ko namang binaling ang tingin ko kay Alexa. "Did you miss me?" Tanong ko sakanya. Isang malawak na ngiti ang nakakurba sa mga labi nya. Ang saya saya ng itsura nya. Napakasaya. Ayokong mawala iyon at ayokong masaktan sya. Ano bang dapat kong gawin?

"Ofcourse! I missed you Dad! Sobra akong excited makita ka. Dad you should stay here for long. Ipapasyal ka namin ni Kuya."

Masayang bati nya sa akin. Hindi ko napigilan at niyakap syang muli. Dumalo naman si Chace.

HER REASONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon