CHAPTER 20

147 10 0
                                    

*Bar

Andrew's POV

Alas otso na kami nakarating sa bar na pagmamay-ari ni Migs. Mahaba-habang usapan to. Mukhang magpapakalasing sila.

"Drew, anong meron kay Kid at Kourtney?" pagtatanong ni Tyler ng makalapit sya sakin. Nilingon ko ang dereksyong tinutukoy nya.

I saw Kourtney hugging Kid. Normal na sakanila yung ganyang eksena. Pero ngayon parang may kakaiba.

I shrug my shoulder. "Di ko rin alam. Normal lang naman na ganyan sila di ba." pagbabale wala kong sagot. Ayoko lang maki alam sakanila kaya hinayaan ko na rin.

Katabi ko sa kaliwa si Tyler na katabi sila Kourtney at Kid. Sa kanan naman sila Chace, Amber at Van.

Tumango nalang si Tyler. Nilapitan kami agad ni Migs. Noon tanda ko pa na halos gabi gabi dito kami nagpapalipas ng oras. Nag uubos ng oras para makalimot.

"Guys! May i aannounce ako sa inyo!" masayang sigaw ni Kourtney.

"Kourts ano ba!" iritang sagot ni Kid. anong problema ng dalawang to?

"Kung mag aaway lang kayo pwede ba wag nalang. Nakakasawa kayong pakinggan." sabat ni Amber. tumango ako bilang pagsang ayon.

"Ano yun Kourts?" singit ni Tyler. Tinignan ko naman sya agad.

"Well... Me and Kid. We're officially dating."

"Aaaahhhhh! Andrew!" sigaw ni Kourtney. Halos naibuga ko yung iniinom ko sa sinabi nya. Fuck! Ano tama ba yung narinig ko?

Inabutan naman agad ako ni Amber ng tissue. "Kourtney naman wag ka ngang namimigla" sabi ko sakanya.

"What?!" gulat na sabi ni Amber.

"Teka teka kelan pa?" dagdag ni Chace.

lahat kami nakatingin na sakanila. Hindi malabong magkatuluyan sila.

"recently lang. and soon we're gonna be a couple" masayang pahayag ni Kourtney habang bumaling sa katabi nyang si Kid.

Couple? tinignan ko si Kid na nakatingin ngayon sakin. Wala kang mababasang emosyon sa mga mata nya. Tumango nalang ako sakanya. Alam na alam ko yung pagtitig nya ng ganyan. Kailangan naming magusap.

Lumipas ang oras at hindi man lang umiimik si Kid. Hinayaan nalang namin. Puro kwentuhan lang kami na pinangungunahan ni Tyler at Chace. Pero isang saglit ay napatigil kami. Bigla kaseng tumunog yung cellphone ni Chace na sinagot naman nyang agad.

"Hello, Why did you call?" nag aalalang tanong nya. Hmm hula ko yung kapatid nya siguro to. Minsan di ko maiwasang hindi mainggit. K-kung.. kung n-nandito pa kaya sya may tatawag din kaya sakin ng mga alanganing oras. Yung tipong 'Kuya inaantay ka na namin ni Dad' 'Andrew, where are you?' I sigh deeply. Sabi nila pag may nawala sayo may kapalit naman. And it so happen Chris came along. I mean si Van.

At first nahirapan kami sa isa't isa. He said his deep sorry for us. I have to accept it. His my brother after all. Walang may gusto ng nangyaring aksidente. So pinatawad ko din sya. And I know she did the same thing.

"What?!" gulat na sigaw ni Chace na nagpatayo sakanya sa kinauupuan nya. Nabaling yung atensyon namin sakanya. Pansin ko rin lage nalang problema ang bungad ng kapatid nya sakanya. Sino nga ba ulit yun? Alicia? Anya? Hindi ata. Hmm tama! Alexa!

"W-what are y-you doing there? Hold on I fetch you up. Stay there ok?" pagpapatuloy nya. halatang halata sa mukha nya ang sobrang pag aalala. Natanong nga sakin minsan ni Jin kung ganon daw ba ang may kapatid na babae. Naisip ko ganoon ba ako sakanya? Siguro dati at siguro hindi rin.

HER REASONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon