Chapter 40- First Round: Win Or Go Home

162 4 0
                                    

CP3's NOTE

LAST 5 CHAPTERS NA LANG POH

KAYA MAYBE THIS WEEK MALAMANG AY TAPOS NA ITONG STORY NA ITO

THANK YOU POH SA INYONG MGA READERS.

.

.

.

Florie's POV

.

.

Nagyaya si John na magpunta raw kami sa Takamiya University para raw panoorin si April at si Clyde at pati na rin yung ibang participants ng Shiozuka Academy. 

Sumakay kami ng tren papuntang Takamiya University, kasi kung sasakay pa kami ng bus ay mahal ang pamasahe, kaya tiyaga na lang muna.

''Bhe sensya na kung di tayo makakasakay ng bus, eto lang kasi kaya ko ehh'' -John

''Ayos lang yun Bhe, kamusta na kaya sina April?'' 

''Sabi raw nila 3pm pa raw yung start ng 1st round, 1:30 pa lang naman ehhh'' -John

Habang nakaupo ay sumandal ako sa balikat ni John, medyo masakit lang ang ulo ko. 

''Ok ka lang Bhe?'' -John

''Ok lang ako, masakit lang ang ulo ko'' 

HInawakan ni John ang noo ko ''Nako bhe may lagnat ka ata, mabuti pa mamaya pagdating natin ay ibibili kita ng gamot'' 

Medyo masama lang ang pakiramdam ko, ganito kasi ako palagi kapag may biyahe. Hindi maganda ang kundisyon ko. 

Tumigil saglit ang pag andar ng tren, may sumakay kasing pasahero. Mukhang nagmamadali ito. Nabunggo nito si John habang nakatayo si John para kumuha ng panyo.

''ANO BA!!??'' 

''TEKA?? Kilala kita ahh'' sabi ni John ''Ikaw yung isa sa mga yun?'' 

''Oo, teka san ka ba pupunta??'' tanong nung lalaki

''Sa Takamiya University, nandoon kasi mga kaibigan ko ehh'' -John

''Ahhh ganun ba? Pwede bang dun muna ako magtago?'' -Guy

''Sige ba, basta huwag ka lang gagawa ng kalokohan ahh, baka madamay kami'' -John

''Sige, salamat brad, buti na lang at di kita binugbog dati'' sabi niya sabay akbay kay John, ay close kayo??

''Ay nga pala girlfriend ko si Florie, Bhe si Macho nga pala'' pakilala ni John

''Hi Florie'' -Macho

''Hello, ikaw ahh may balak ka pala dating bugbugin ang baby ko??'' 

''Dati lang yun,, pero mabait na ako ngayon promise'' -Macho

''bakit ka ba nagtatago Macho?'' -John

''May mga grupo ng mga estudyante ang humahabol sa akin kasali dun sina Mar at si Kato, niyayaya kasi nila ako dun sa isang organization. Parang fraternity na nagbebenta ng mga weeds, sabi ko hindi na ako gagawa ng katarantaduhan kaya ayun gusto akong bugbugin ng mga iyon'' -Macho

''So totoo palang nagbabago ka na Macho?? Teka pati sina Kato napasama?'' John

''Oo, tinakot kasi nila na kapag tumanggi sila ay puputulan ka raw ng dila, at isa pa isa na akong choir sa simbahan kaya nagbago na nga ako'' -Macho

"Watty Academy Class of 2014" (Complete)Where stories live. Discover now