Chapter 3- ''Bully Problems??''

693 17 3
                                    

AUTHORS' POV

Pwede bang sumingit??? ako muna huh..  saglit lang eto

Sa buhay high school student, hindi talaga maiiwasan ang mga away, gulo, riot, iskandalo, at iba pang mga dahilan ng pagkakaroon ng record sa school, pero ang tanong, paano ka kaya iiwas sa mga taong mahilig nambully or mang trip sa iyo??

Kasi naman mahirap din ang sitwasyon ehhh

''Kung di mo siya papalagan, tuloy tuloy pa din ang pang aasar niya sa iyo'' 

''Kung pinalagan mo siya, matuturuan mo siya ng leksyon at titigilan ka na niya, pero kawawa ka, baka yan pa ang isang dahilan ng pag kick out sayo sa school.

O SIYA BALIK NA SA KWENTO


John's POV

ehem, hello nga pala sa inyo, ako nga pala si John Caporal, just call me John, huwag lang Juan, ang baduy parang ''Juan Tamad''. Isa akong senior student, kasama sa mga A+ na student dito sa Shiozuka Academy, (ikaw na matalino), At oo, kasali ako sa tropang China Phone kasi alam naman ng karamihan na mabagal akong kumilos, pero hindi naman ako mabagal pagdating sa mga pag aaral. Pagka graduate ko gusto kong kumuha ng kursong BS Education major in Social Science of Communism. 

       Sabi nila, medyo weird daw ako kasi daw medyo tahimik ako at laging seryoso, pero ang totoo madaldal talaga ako kapag kasama ko ang mga ka tropa ko, parang sila nga ang kapatid ko dito sa school na eto ehhh. At syempre hindi talaga mawawala ang mga asaran, lokohan sa barkada. Akala lang nila matalino ako sa iba't ibang bagay. 

At syempre, hindi din maiiwasan na asarin at tarantaduhin ako ng ibang mga tao diyan sa school, lalo na yung mga lower class jan, Hindi ko naman sila nilalait na mga boplaks kahit nasa lower section sila, pero totoo naman ehhhh, maaangas talaga sila. Kung kering keri ko talaga labanan sila, matagal ko na silang naturuan ng leksyon.

Paano ba naman, susulyap sa classroom namin, mang cchicks, tapos ang sasama pa ng tingin sa aming mga lalaki. Binugbig na nga nila yung isa kong kaklase ehh, ayun, basag ang ilong.

Kanina lang kasama ko sina April, Florie at Rigor sa canteen, yung mga loko lokong iyon, nakatingin nanaman sa amin, anu bang atraso ko sa mga yun?? 

Sinundan ko sila para pagsabihan na yung mga yun, nang matigil na ang mga pinaggagawa nila

Nagkita kami sa may park, sa labas ng school.

''Pare siya ba yun??'' sabat nung isang lalaki

''Siya?? ehhh muka namang walang palag yan ehhh HAHAHAHAHAHA'' -sabat nung matabang lalaki

''Bakit ba ako na lang lagi ang pinag didiskitahan niyo ahh??''

"Watty Academy Class of 2014" (Complete)Where stories live. Discover now