Chapter 39 -The Inter Junior High Tournament

167 4 3
                                    

                                       **************** [ CHAPTER 39 ] **************

Clyde's POV

Papunta na ako papuntang school (Shiozuka Academy) nang may nakita akong nakaharang na kariton sa may tabi. Ano ba ito? Umagang umaga paharang harang, kanino ba ito?

Tinulak ko yung kariton at itinabi sa may damuhan.at nagulat na lang ako na may nakita akong matandang babae . Napasigaw ako ng 

''MULTOOOOOOOO!!!!!!!!!'' 


Nakakatakot yung babae, magulo ang buhok, maitim, tapos punit punit ang kasuotan. At may kasama rin siyang bata, anak niya siguro.

''Ahhhmm Manang, pasensya na poh ahh, nakaharang kasi kayo sa daanan ehh, baka masagasaan poh kayo at baka madampot kayo ng mga tanod diyan kaya ko inisuod yung kariton ninyo'' 

Tumingin sa akin yung babae, yung parang kukulamin lang ako, wagpo!!! bata pa po ako. 

''Kung gusto niyo poh'' Kinuha ko yung baon ko na burger, hati sana kami ni Chandria pero nakakaawa yung matanda ehh. ''Eto poh pagkain para sa inyo, ako poh ang nagluto niyan. Kainin niyo na poh iyan para hindi kayo magutom'' Pinagmasdan ko lang yung maamong mukha nung bata, hirap na hirap at makikita mo sa kanya na gutom na gutom na siya. Hirap talaga kapag hindi ka nakatapos ng pag aaral. ''Sige poh aalis na po ako, Bye'' baka ma-late pa ako at malamang magtititilak nanaman ang prinsesa ko.

Wala pang dalawang hakbang ang lakad ko ay ''Iho Saglit!!!''

''Poh??'' 


Lumapit ako sa kanila ''Bakit poh Manang?'' 

''Maraming Salamat sa kabutihan mo Iho, Di mo ba alam na kaunti na lang sa mga kabataan ang gumagawa ng ginawa mo'' Sabi ni Manang ''Bilang ganti sa kabutihan mo ay tanggapin mo ito'' Kinuha niya sa kariton niya ang isang tela na kulay pula at binigay ito sa akin, What's the purpose?? Aanhin ko toh? pamunas ng pawis kapag natetense??

''Salamat Manang, para saan poh ito??'' 

''Iho nakikita ko ang mangyayari sayo sa hinaharap'' parang kinilabutan ako sa sinabi niya, sabi na nga ba kakaibang nilalang ito. ASWANG ata ito

''Poh?? Ano naman poh?'' 

''Pasensya ka na sa sasabihin ko Iho pero mawawala ang isa sa mga importanteng bagay sa buhay mo kapag pumalpak ka sa iyong misyon'' Di ko siya gets?? Ano ba ito si Madam Auring na nagdisguised na matanda? At anong importanteng bagay yung mawawala sa akin? Cellphone ko? Laptop ko? PSP ko? 

"Watty Academy Class of 2014" (Complete)Where stories live. Discover now