Chapter 6: Friends

Magsimula sa umpisa
                                    

Sige na nga. Bahala na.

"Clodet?! Asan ka Clodet!" sigaw ko.

"Maam! Andito pu aku maam!" nangaling ung boses sa baba.

"Oh?! Anung ginagawa mo sa tapat ng telepono?"

"May hinihintay lang po na tawag maam. Ano po iuutos niyo?"

"Ah, pwede bang mahiram ung susi sa kwarto ng sir Dj mo? Di pa kasi un kumakain eh." Ako

"Ay, sige po maam." at agad niya naman itong iniabot sakin.

"Salamat ha." dali dali akong dumiretso sa tapat ng pinto ng kwarto ni Dj.

Papasukin ko kaya to? Kung katukin ko kaya muna? Baka kasi kung ano pang makita ko kapag biglaan ko tong binuksan eh. Knowing Dj =.=

*knock knock* naka walong katok na ako, pero wala paring sagot mula sa loob.

Kaya napagdisisyon ko nang buksan ang pinto.

Madilim ang kwarto pagpasok ko. Ung ilaw lang na nangagaling sa labas ang nagsisilbing liwanag, pero madilim parin. Amoy sigarilyo rin dito. Ano kayang pinangagagawa niya?!

"Dj?" sabi ko, pero walang sumasagot.

Lakad ng ako ng lakad, hanggang sa may naapakan akong bagay.

Bote ng alak.

Umiinom si Dj? Wala sa itsura niya, huh.

Hanggang sa nakita ko siyang nakahilata sa sahig. Walang malay.

"Oh my God Dj!" sabi ko at agad ko siyang tinulungang tumayo.

"Leave me alone." sabi niya habang nakapikit. Halata sa boses niya na nanghihina siya.

"Sa kalagayan mong to, akala mo iiwanan kita?!" Ako

"Shut up and leave." Dj

The Runaway Bride Meets the Arrogant Guy (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon