Chapter Thirty Three

Start from the beginning
                                    

"Anak, nag usap na ba kayo ni Uno? Sana naman pakinggan mo s'ya."

Iyon kaagad ang bungad ni mama nang dalhin n'ya sa akin ang ilang mga damit ko.

"Ma, buo na ang desisyon ko. Ayoko na talaga,"

Hindi na ako tinutulan pa ni mama. Nag usap na lamang kami ng ibang bagay katulad nang sa coffee shop.

"Anak, sigurado ka na ba na ikaw ang mamahala nang sa Bukidnon? Pwede namang kami doon ng papa mo, at dito ka. Kasi gusto naring makasama ng papa mo ang lolo mo sa Bukidnon. Wala nang nag aalaga sa lolo mo."

"Mama, ako na po ang bahala kay lolo."

Nginitian lang ako ni mama at saka tinapik sa balikat.

"Kung iyan ang gusto mo, anak."

Ngumiti rin ako sa kanya at saka nagpaalam na dahil babalik pa s'ya sa coffee shop. Sumandal ako sa upuan ko at hinawakan ko ang sentido ko. Kahapon pa ito sumasakit, nahihilo rin ako at hindi ako makakain ng maayos. Sandali akong pumikit nang mariin bago naisipang kunin ang phone ko sa aking pouch. Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ni Mikaela kung saan nakalagay iyong pouch ko

Sinubukan ko iyong buhayin pero hindi mabuksan kaya sinubukan ko rin iyong i-charge. Habang nakacharge ay binuksan ko iyon. Dalawang linggo ko na itong hindi binubuksan kaya alam kong marami na ang nagtetext at tumawag sa akin.

Nakagat ko ang labi ko nang makitang kay Uno ang pinakamaraming missed call ngunit ni isang text ay wala akong natanggap mula sa kanya. Napailing ako hindi dahil walang text si Uno. Kundi dahil naduduwal na naman ako at naiinis na ako sa nararamdaman kong ito. Binitawan ko ang phone ko sa kama at dumiretso kaagad ako sa banyo para sumuka.

Parang umiikot ang sikmura ko at hilong hilo ako dahil sa kakasuka. Tuwing umaga mula 'nong isang linggo pa ay ganito na ako. Iniisip ko na nga na baka buntis na ako pero hindi ba masyadong maaga para doon? Parang ang aga naman yatang morning sickness ito?

Kung sakaling nabuntis man ako ni Uno... Ayos lang, kaya ko naman s'yang buhayin mag isa at isa pa... Hindi n'ya malalaman dahil pwedeng sa Bukidnon ko ipagbuntis ang magiging anak namin.

Umiling iling ako at binuksan ko ang gripo na nasa lababo. Nahilamos ako para mahimasmasan. Hindi ako buntis. Ayokong mabuntis. Hindi pwede.

Nang huminahon na ang pakiramdam ko ay nagpasya na akong lumabas ng banyo ngunit laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay seryosong mukha ni Uno. Sa gulat ko ay hindi ako kaagad nakapag-react.

"Go back and use this." Mariing utos n'ya.

Bumaba ang tingin ko sa hawak n'yang parihabang karton. Napakurap kurap ang mga mata ko nang makitang pregnancy test kit iyon!

"A-anong gagawin ko d'yan? Hindi ako buntis!" Depensa ko.

Nag angat ko ng tingin sa kanya. Gumuhit ang galit na ekspresyon sa mga mata n'ya. Pero hindi ako nagpaapekto.

"Tapos na tayo, Uno. Ayoko na, hindi tayo pwede sa isa't isa-"

"Just take the pregnancy test at kung buntis ka man, pananagutan ko 'yan!" galit na sigaw n'ya.

Nagulat ako doon. Hindi ko inakala na magiging ganon s'ya kagalit. Inis na kinuha ko mula sa kamay n'ya ang pregnancy kit at pumasok sa loob ng banyo. Nanginginig na kinuha ko iyon sa loob ng kahon.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulang gawin ang proseso. Binasa ko na lang sa likod ng box kung paano. Natawa ako nang makitang may isang kulay pulang guhit at ang isang ay meron din ngunit malabo. I think this is negative.

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Uno na nakatayo parin sa harap ng pinto. Inabot ko sa kanya iyong pregnancy test kit at kinuha naman n'ya iyon.

"Happy?" Sarkastikong tanong ko.

Dahan dahan s'yang tumango.

"Y-yeah, but not so."

Nag angat s'ya nang tingin sa akin na may galit na mukha parin.

"Don't ever abort my child, Jamila. I'm his or her father so you better take care of my baby."

Nangunot ang noo ko.

"Malabo ang isang linya! Negative, hindi ako buntis-"

Inangat n'ya ang pregnancy test kit at nagulat ako nang lumitaw na ang isa pang linya. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig.

"Don't worry. Hindi kita papakielaman, that's your choice. To give our child a broken family, right? The only thing that I need to you is my child. Just my child, Jamila."

Tinalikuran na n'ya ako dala dala iyong pregnancy test kit. Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at napaiyak na lamang.

***

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now