Chapter Nine.

1K 29 2
                                    

Chapter Nine.

"He kissed you?"

Tumango lamang ako sa tanong n'yang iyon. Nag-cut kami ng klase at siguradong alam iyon ng mga teachers namin dahil naiwanan namin ang mga bag namin. Plus yung mga sipsip na studyante ay siguradong nagsumbong na. Hindi ko naman kasi kayang pumasok na may sugat sa labi. Nasugatan ito dahil sa ginawang pag-halik sa akin ni Jayson.

"I told you, we should have tell this to the guidance office! He almost raped you!" Halos pasigaw na sabi n'ya sa akin.

Umiling ako at napayuko. Hindi ko inaasahan na magiging ganito si Uno. Iyong tipong ipagtatanggol n'ya ako. Akala ko kasi ay puro pang aasar lang ang kaya n'yang gawin sa akin...

"Hindi, ayokong malaman ng iba na nangyari iyon lalong lalo na ang mga kaibigan ko."

Nakatitig s'ya sa akin. Alam ko kahit na hindi ako nakatingin sa kanya. Nakaupo ako at ang baba ko ay nakapatong sa mga tuhod ko.

"Why? You don't want them to know that you have weakness?"

Hindi na ako umimik pa. Noon ay alam nilang mahina ako. Mahinang mahina na kailangan ko pa sila para maging tagapagtanggol ko. Pero nangako kasi ako sa kanila na hindi na ako magiging mahina. Na kakayanin ko nang tumayo sa sarili kong mga paa at hindi na ako magpapaapi pa sa iba.

"Then if you don't want them to know about your weakness. You can show it to me,"

Binalingan ko s'ya nang tingin. Nagkatitigan kaming dalawa. Tinatansya pareho ang isa't isa.

"Thank you." I said then smiled at him.

Hindi ko akalain na sa dinami rami ng tao. Sa kanya ko pa maipapakita ang kahinaan ko. Sa dinami rami ng pwedeng makakita... Doon pa sa taong kinaiinisan ko.

Naramdaman kong sumandal s'ya sa balikat ko. Itutulak ko sana s'ya kaya lang ay nasulyapan kong nakapikit na s'ya.

"Huwag mo akong itutulak, patulog lang saglit. Niligtas kita kanina kaya may utang ka sa akin."

Hindi ako kumibo. Hinayaan ko s'yang umidlip sa balikat ko. Kahit na ang puso ko ay naghuhurumintado na naman. Panay na naman ang kalabog sa hindi ko malamang dahilan...

Naalimpungatan ako nang marinig ang malakas na pagtunong ng bell. Pagmulat nang mga mata ko ay halos mapatalon ang puso ko sa gulat. Nakatitig sa akin si Uno! Mabilis rin s'yang nag iwas ng tingin sa akin. Ako naman ay napatayo bigla. Nakahiga ako sa hita n'ya! Paano nangyari 'yon?

"Ang tagal mong matulog." Ani Uno.

Nag aalinlangang tumingin ako sa kanya. Nakakahiya. Nakatulog ako.

"S-sorry."

Tumayo agad ako at nagpagpag ng palda. Tiningala ko ang langit at napansing hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw kaya umalis na ako sa silong nang rooftop.

"Akala ko hindi ka na gigising, eh." He said then chuckled. "Pupuntahan tayo dito ni Shivan, pinakuha ko 'yong bag natin."

Nilingon ko s'ya pero pinilit kong iwasana ang mga mata n'ya. Ngayon ko lang din kasi na-realize iyong mga nangyari kanina.

Maya maya lang rin ay may narinig na kaming mga yabag ng paa paakyat dito sa rooftop. Hahakbang na sana ako para salubungin si Shivan kaya lang ay natigilan ako nang makita ang may pasang mukha ni Jayson. Kasunod n'ya ang mga tropa n'yang pare-pareho ring gago.

"Nandito lang pala kayo, kanina pa namin kayo hinahanap." Nakangising sabi ni Jayson.

Napaatras ako. Takot na baka bigla nilang saktan si Uno. Nagsumbong na yata s'ya sa mga ka-tropa n'ya.

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon