Chapter Twenty-Three

1.5K 62 1
                                    

Lisa's POV

Papaalis na sana ako papuntang mall para magshopping ng may nagpadala daw sa akin kaya ibinigay ni manang sa akin. Galing daw kay Rosé. Eh kalapit lang ng subdivision namin eh kailangan pa e-LBC. Nagsayang pa ng pera.
Well, isang Christmas gift. Eh malayo pa-christmas eh. Napaaga yata regalo nya.

Umakyat ako sa kwarto ko at tinawagan si Rosé.

" Bon jour!!"

"Bonjour mo mukha mo! Ano naman tong paandar mo?! Ang aga mo magregalo sa akin." Sabi ko at binuksan ito. Notebook lang pala na Transformer. Psh! Bata'ng bata ang dating.

"Buksan mo nalang!"

"Binuksan ko na! Ano ba tong Nitebook na toh?!"

"Hindi akin yan ah!"

"Alam ko! Barakong barako ang dating eh puro Barbie, bratz o Disney princess yung notebook mo noon kaya alam ko!!"

"Basta! Basahin mo nalang simulan mo sa likod!"

"Ro— oh shete! Binabaan na naman ako!" Ibinagsak ko ang cellphone ko dahil sa inis at binuksan nalanh ang notebook ayun sa sabi ni Rosé.
Nagulat ako ng nabasa ko agad.

Jungkook ♡ Lalisa

Oh shet!! Unting bumabalik ang mga memories namin together!

Pagflip ko ulit sa notebook ay may poem. Para sakin?! Nangdito kasi lahat ng mga ginawa ko nung Junior highschool palang ako. Geez! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ganito ba ako kagusto ni Jungkook noon? Akala ko ba—

"Wala kang kaideya kung bakit ka iniwan ni Jungkook!"

Naalala ko ang sinabi ni Rosé sa akin nung nalasing sya sa birthday party ko, noon.
Alam ko ba talaga kung bakit nya ko iniwan?! Itinanong ko ba?

Ipinflip ko na naman ang isang page na lalong nagpakaba sa akin.

'Hi, Lisa! Alam kong pagnababasa mo toh siguradong mandidiri ka dahil sa ka-OAhan ng sulat ko. Di mo lang alam kung gaano kita kagusto, no– I Think mahal kita! Grabe nung una kitang nakita na intimidate ako sa ganda mo. Una kong intensyon na pabagsakin ka dahil di ko matanggal na mas natalino ka pa kaysa akin. Pinlano ko na paibigin ka at idistract ka sa studies mo pero di ko alam na nahuhulog na ako sayo! Corny man pero yun yung naramdaman ko. Palagi na kitang naiisip. Alam kong mandidiri ka talaga sa sulat na toh kaya sana hwag mo nalang mabasa!♥'

Di ko namalayan na unti unting pumapatak ang luha ko at niyakap ko ang notebook. Napahagulgul nalang ako.

Di ko alam na ganuun mo pala ako kamahal, Jungkook. Bakit hindi ako nakinig sayo noon?! Bakit hindi ako nagtiwala sayo?!

Nagalit ako sayo noon dahil iniwan moko ng walang paalam at natatakot lang ako na iniiwan ako at natatakot akong makakita ka ng bago, mas maganda pa sa akin, mas cute, mas mabait. Kaya inunahan kitang hiwalayan.

Jungkook, sorry kung sumuko ako. Sorry dahil hindi ako nagtiwala sayo!
I'm so so sorry!!

Taehyung's POV

Inaya ko si Lisa na magdate kami at magkikita kami rito sa mall. May surpresa kasi ako.
Pero ilang oras na akong hihintay pero di sya sumipot.

Baka inaya naman sya ni Jungkook magdate. Matawagan nga yun

Pagkalipas ng ilang ring ay sumagot naman ito. Thank goodness!

"Hello?"

"Saan si Lisa?! Inaya mo ba sya?" Deretso ko.

My Ex Next Door ||Liskook//Where stories live. Discover now