Chapter Thirty One.

Start from the beginning
                                    

Naiyak na lang ako bigla. Nakakainis naman 'tong lalaking 'to. Imbes na itulak n'ya ako palayo ay mas lalo n'ya pa akong inilalapit sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa balikat n'ya at ang isang kamay ko ay nasa dibdib n'ya. Wala akong tigil sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Ang sakit sakit talaga.

Bakit ba hindi ko magawang itigil ang pagmamahal ko kay Uno? Gayong maraming dahilan para kamuhian ko s'ya. Sobrang daming dahilan pero hindi ko pa rin magawang tigilan 'tong lecheng pagmamahal ko sa kanya!

Huminto lang ako sa pag-iyak nang maramdaman kong medyo ayos na ako. Doon ko lang namalayan na basang basa na pala ang damit ni Nathan dahil sa luha ko.

Nag angat ako ng tingin sa kanya saka n'ya ako nginitian.

"Ayos ka na ba?"

Tumango ako.

"Ako naman, paiyak rin."

Hindi pa man ako nakaka-oo ay sumubsob na s'ya sa balikat ko. Niyakap n'ya ako ng mahigpit. Hinihintay kong mabasa ang balikat ko ng mga luha n'ya pero hindi ko iyon naramdaman. Mainit at mabagal na hininga n'ya lamang ang naramdaman ko.

"Naubusan na ako ng luha..." bulong n'ya.

Bago pa man ako makasagot ay naramdaman ko na ang malakas na pwersang nagpahiwalay sa aming dalawa ni Nathan. Gulat na nag angat ako ng tingin kay Uno na nakapagitan na sa aming dalawa.

"Teka, anong problema mo?" tanong ni Nathan kay Uno.

Taas baba ang dibdib ni Uno habang ang kanyang mga kamao ay kuyom na kuyom sa galit. Bakit ba s'ya nagagalit?!

"Kayo ang dapat kong tanungin kung anong ginagawa n'yo?!" sigaw n'ya.

Sa inis ko ay naitulak ko si Uno. Ano bang pakielam ng lalaking 'to?

"Wala kang pakielam sa ginagawa namin, Uno!"

Mas lalong nag igting ang panga n'ya pero hindi ko na iyon pinansin. Naninikip na ang dibdib ko dahil sa ginagawa n'ya. Hinawakan ko ang kamay ni Nathan at hinila s'ya paalis ng bar. Marami nang tao ang nakiki-usyoso sa paligid at nakakahiya na.

"Umuwi na tayo, pasensya ka na."

Nang tuluyan kaming makalabas ay hinanap ko agad ang kotse ni Nathan.

"Mahal ka pa n'ya."

Nilingon ko si Nathan at matabang na tinawanan s'ya.

"Naapakan ko lang ang pride n'ya kaya s'ya ganon. Akala n'ya kasi, s'ya lang ang pwedeng lumandi."

Natawa rin s'ya saka binuksan ang kotse n'ya at pinapasok ako doon.

"So, landi pala ang ginawa natin kanina?"

"Ewan ko sa'yo!"

Natatawang isinara n'ya ang pinto at umikot na sa kotse n'ya para makasakay sa driver's seat. Binuksan n'ya ang makina at magsisimula na sanang paandarin ang sasakyan nang maaninagan namin si Uno na kakalabas lang ng bar. Palinga linga s'ya at hindi mapakali.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, mag usap kayo."

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Ilang beses nang sinubukan ni Uno na makipag-usap sa akin pero hindi ko ginawa. Paano s'ya makikipag usap sa akin kung ang dami dami n'yang babae?! Iyon ang problema naming dalawa pero hindi n'ya layuan ang mga babaeng iyon!

"Hindi na, tama na 'yon. Uuwi na rin naman ako sa Bukidnon sa susunod na buwan para doon magsimula ng bagong negosyo nila mama."

Nag angat ako ng tingin kay Nathan. Mukhang hindi s'ya satisfied sa naging sagot ko.

"Bumaba ka na, kausapin mo na." Malungkot na sabi n'ya.

Lumingon ako sa labas ng kotse n'ya at nakita si Uno doon na nakasubsob ang ulo sa kotse n'ya.

"Sige na, para matapos na 'yang pinuputok ng butchi mo."

Nag aalinlangan man ay dahan dahang lumabas ako ng kotse ni Nathan. Ilang lingon ang ginawa ko kay Nathan, humihingi ng assurance pero panay lang ang tango n'ya kaya nagdire-diretso na ako hanggang sa makarating ako sa tapat ni Uno. Ganoon parin s'ya. Nakasubsob ang ulo sa harap ng kotse n'yang kulay itim na BMW.

"U-uno," lakas loob na tawag ko sa kanya.

Mabilis pa sa alas kwatrong nag angat s'ya ng tingin sa akin. Napakurap kurap s'ya bago humakbang palapit sa akin.

"M-mag usap tayo," dagdag ko pa.

Nangingiti ngunit halata sa mga mata n'ya ang kaba. Kinagat n'ya ang labi n'ya tsaka hinawakan ang kamay ko para papasukin sa loob ng kotse n'ya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang panakaw na sulyap n'ya sa akin ngunit pilit ko iyong binalewala. Dahil ang balak ko lang ngayon ay ang magkaron kami ng closure at tapusin na ang sakit na nararamdamang ito. Siguro kapag nasabi ko na sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko, baka matapos na at itigil ko na ang pagmamahal ko sa kanya.

"B-bakit dito tayo sa condo mo?" tanong ko sa kanya habang iginagarahe n'ya ang kotse n'ya sa loob ng parking area ng Brilliantes Tower.

"Gusto kong mag usap tayo ng masinsinan," pagkasabi n'ya non ay bigla akong kinilabutan.

Dapat hindi ako mag isip ng kakaiba kasi alam kong ang dapat na pag usapan namin ay ang tungkol sa relasyon namin two years ago pero tangina, bakit ba may iba pa akong naiisip?!

Hawak n'ya ang kamay ko hanggang sa makasakay kami sa elevator. Siguro sa pag aakala n'yang aalis na naman ako kung papakawalan n'ya ang mga kamay ko.

Ngayon lang ako makakapasok sa condo n'ya. Magmula 'nong naghiwalay kami ay hindi na n'ya binalikan pa iyong bahay n'ya sa tabi ng bahay namin. Ibinenta n'ya na iyon, matagal na.

Pagkasara ng pinto ng unit n'ya ay gulat ako nang bigla n'ya akong kabigin at yakapin ng mahigpit. Sakop n'ya ako ng buong katawan n'ya lalo na't pakiramdam ko ay mas lalo s'yang lumapad at mas lalong nadepina ang katawan n'ya.

Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog ng puso n'ya katulad ng sa akin. Mas lalo pa n'yang hinigpitan ang yakap n'ya sa akin na parang ayaw na n'ya akong pakawalan. Gusto kong umiyak, pero inisip ko na hindi pwede, ayokong magmukhang mahina.

"Miss na miss na kita, mahal ko..."

But the moment he whispered the magic word, I cried.

***

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now