Chapter 44 - Puzzled

52.5K 1.2K 174
                                    

Chapter 44 – Puzzled

Avia’s POV

Napailing na lang ako kay Kuya. Sa’an ba ‘yon pupunta? Iniwan niya lang pati sa akin si Hunter.

“Sa’n kaya pupunta si Papa, baby? Hmmm?” kausap ko sa pamangkin ko. Tumawa lang siya. Mabuti pa ‘to walang problema sa buhay.

“Alam mo ang bilis mong lumaki. Kung ako sa’yo, hindi ko mamadaliin ang paglaki. Madami ka agad na iisipin sa buhay eh.” Nakatingin lang sa akin si Hunter habang tumatawa. Naaalala ko tuloy sakanya si Lorelei. Ganyan din ang mga ngiti niya eh.

“Aliw na aliw ka dyan sa bata ah.” agad akong napalingon sa nag-salita. Si Wynner! Lumapit siya sa akin habang nakapamulsa.

“U-uy! Wy! Long time no see!” Masaya akong makita siya. Matagal ko din siyang hindi nakita eh. Namiss ko din ‘tong lalaking ‘to!

“H-ha? Ah Oo nga! Haha. Kumusta ka na?” hinawakan niya kamay kamay ni baby at pinalaruan ‘to.

“Ok naman ako. Eh ikaw? Saan ka ba nagpunta?” natahimik lang siya at mukhang nag-isip.

“May binantayan lang sa tabi-tabi.” Sabi niya.

“Huh? Sino naman? Taga bantay na lang ba ang ka-gwapuhan mo?” natatawa kong sabi.

“Ganun talaga kapag nag-mamahal eh.” His expression was hurt. But wait, he love someone?

“Sino ba ‘yan at kailangan pang bantayan? Hindi mo man lang sinabi sa akin na may nagugustuhan ka na. Akala ko pa naman kaibigan an ang turing mo sa akin.” Nagtatampo kong sabi.

“Hindi mo na kailangan pang malaman. Tsaka hindi nga alam no’ng vampirette na nagugustuhan ko na mahal na mahal ko siya. Lakas ba naman ng nakaturok na anesthesia sa katawan no’n sa sobrang manhid.” Nakatingin siya sa akin sa mata na parang may kung anong mensaheng pinapadala.

“Aww. Kawawa naman ang Wynner ko.” I pouted then encircle my right hand through his arms. I feel him fliched. Naiilang ba siya sa akin?

Marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya na ikinabigla ko. Ngayon lang ako sakanya naglambing dahil namiss ko siya. I felt rejected. For some reason, nagulat ako. May kung anong kirot akong naramdman eh.

“H’wag kang mag-alala. Nag-momove on na ako.” He said then beamed.

“Talaga? Good for you.” I tried to be happy for him. Is moving meaning I will lose him? I have this weird instinct na mawawala siya sa akin eh. Feeling ko nga, kahit magkasama kami ngayon, malayo ang loob niya sa akin. ‘Yun bang feeling an ‘You’re near, Yet so far’ ang peg. Gano’n ang nafe-feel ko ngayon.

“Malapit na birthday ko. Ano regalo mo sa akin?” sabi niya. This time ibang Wynner nanaman nakita ko. Wala na ‘yung lungkot. He grinned playfully.

I don’t know if it’s just me pero iba ang naaalala ko kapag birthday na niya ang pinag-uusapan.

My first kiss!

Feeling ko tuloy namumula ako. ‘Yon talaga naaalala ko eh!

“O-oo nga ‘no? Ano bang regalo ang gusto mo?” naiilang kong sabi.

“Dapat surpresa! Mag-effort ka ah?!” sabi niya tapos kumindat. Aba at ang demanding! Sabagay, eto ang totoong Wynner. Balasubas at maloko.

“Tss! Regaluhan kita dyan ng bomba eh!” I retorted. Natawa naman siya sa akin.

“Tignan mo si baby oh, tumatawa din.” Napatingin ako kay Hunter at ngumingisi din ito. Animo’y naiintindihan niya ang mga pinag-uusapan namin ni Wynner.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon