"At dahil na rin sa hilig mo sa pagluluto, ay naka imbento ka ng adobo na hinaluan ng kape" patuloy pa ni ina.
Wait? Adobo na may kape! Yak anong lasa nun!

"Hindi po ba pangit ang lasa noon?"
Tanong ko kay ina at parang masusuka naman ako dun sa adobo na may kape.

"Hindi anak. Sa katunayan nga eh, nagustuhan ng iyong ama at ng iyong kapatid ang iyong luto" nakangiting tugon sa akin ni mama.

"Mabuti na lamang at bago ka nawalan ng ala-ala ay naituro mo sa akin kung paano iyon lutuin. Nais kong matutunan mong muli iyon dahil sabik ma sabik na kaming matikman ang adobong paborito mong lutuin" at ang laki na ng ngiti ngayon ni ina. Nahawa naman ako sa mga ngiti nya at napangiti na rin ako.

"Sige ina, ituro mong muli sa akin" tugon ko sa kanya at nagsimula na kaming magluto. Itinuro nya sa akin kung kailan dapat na ilagay ang mga pampalasa at kung gaano kadami ito.
Tapos ako naman, medyo natutuwa kasi may bago na naman akong matututunan.
Sandali namang tumahimik ang kusina ngunit nagsalitang muli si ina.

"Oo nga pala anak, sabi ng ating isang tagapagsilbi na si Merlita, ay nagpunta raw dito kagabi ang anak ni Ginoong Velasquez na si Alberto"

Nagulat naman ako dahil sa sinabi ni ina ng maalala ko ang sinabi ni Angelita.

"Bukas ng gabi magsisimula ang tunay mong misyon. May dadarating na isang Ginoo sa inyong hacienda at kakamustahin ang iyong kalagayan"

So yun pala ang Ginoong tinutukoy ni Angelita. Ano kayang kinalaman ni Alberto sa misyon ko. May kinalaman kaya sya pagpatay sa aming pamilya?
Hindi naman agad ako makasagot kay ina dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Sinabi na lamang ni Merlita na dumalaw na lamang sa ibang araw" patuloy pa ni ina.

"Ina? Ano pong connectio... (Wait ano bang tagalog ng connection? Hahaha) ang ibig ko pong sabihin ay, kung ano pong kaugnayan ng ating pamilya sa pamilya ni Alberto?"
Tanong ko kay ina.

"Ang Pamilya Velasquez at ang ating Pamilya ay parehas na mayroong malaking negosyo dito sa San Luis. Ngunit mas mayaman ang ating pamilya kesa sa kanila" tugon ni ina.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig na mas mayaman ang aming pamilya kesa sa kanila. Alam kong mas marami kaming magagawa kumpara sa pamilya nila kaya okay na ako. Pero kailangan ko pa rin mag-ingat sa kanya dahil baka may masama syang intensyon sa akin.
Maya maya pa ay naluto na ang adobo at inihanda na para sa almusal.

Narito na kaming lahat sa mahabang lamesa ng mansyong ito. Nasa dulo nakaupo si ama, habang nasa kabilang dulo naman si ina.
Nasa kanang bahagi ko si ate Antonia at nasa harap ko si Almira, katabi naman nya si kuya Antonio na ngayon ay antok na antok pa. Haha sya pala ang pinaka tamad sa aming magkakapatid.

"Tayo munang magdasal bago kumain" anunsyo ni ama

"Amen"

Nagsimula na kaming kumain at may tatlong putahe ang nakahain sa aming hapag kainan. Kaldereta, monngo na may malunggay at ang niluto namin ni ina na adobong may kape.

"Napakasarap pa rin talagang magluto ni Angelita. Kahit nawalan na ng ala-ala ay hindi pa rin kumukupas ang galing sa pagluluto" Napatingin naman ako kay ama na ganadong ganado sa pagkain.

"Tinulungan po ako ni ina sa pagluluto niyan" magiliw na sagot ko kay ama.

"Pwede na mag-asawa yang si Angelita" Nagulat ako ng biglang nagsalita si kuya Antonio. Tsk ! Tsk! Magsisimula na naman sya.
Sinamaan ko na lang sya ng tingin at hindi na ako nagsalita.
Napatingin naman ako kay ama at ina na medyo natatawa na ngayon.

Huling HimagsikWhere stories live. Discover now