way back to love

7.5K 149 4
                                    

denden's POV

para akong baliw na umiiyak habang pababa ng apartment na yun. pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam. gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

.

kung gaano kasakit na malaman na ang minamahal mo ay ikakasal na sa iba dahil sa ginawa mong pananakit sa kanya dati.

.

kung gaano kasakit makita na ang dating babaeng laging nagbibigay at nagpaparaya, ay kasing tigas na ng bato ngayon.

.

kung gaano kalaking pagsisisi ang nararamdaman mo sa puso mo dahil basta mo na lang syang iniwanan noon.

.

at wari ba'y nakikisimpatya ang langit sa nadarama kong lungkot, ang mga ulap ay lumuha din kasabay ng malalakas at nakakatakot na kulog at kidlat. pinili kong manatili sa isang upuang nakita ko. pinili kong lumuha kasama ng ulan. 

.

pumikit ako upang damhin ang lamig na dulot ng bawat patak ng ulan sa aking balat. sa ganoong pagkakataon ay para bang nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. ngunit ng muling pumasok sa isipan ko ang mga naging sumbat ni aly sa akin ay para ba akong kinakapos ng hininga.

???: den, ikaw ba yan?

.

napatingin ako sa kaliwa ko kung saan nanggaling ang tinig. nakita ko ang isang babaeng nakapayong. 

???: ikaw nga! anong ginagawa mo dito? bat nagpapaulan ka?

den: (tumayo ngunit hindi nagsasalita, basta nakatingin lang sa babae at umiiyak kasabay ng ulan)

.

walang anu-ano'y binitawan ng babae ang kanyang payong at agad akong niyakap. wala na kong nagawa kundi tugunin ang yakap na yun dahil pakiramdam ko ay isa akong batang musmos na nangangailangan ng pagkalinga. 

???: tahan na. tahan na..

.

iyak lang ang naitugon ko sa kanya.

.

.

.

------------------------------------------------------------------------------------

aly's POV

pinilit kong kalmahin ang aking sarili ng marinig ko na may kumakatok sa pintuan ng unit. hindi ito tumitigil at para bang nagmamadali ang katok. inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumunta sa pinto at buksan iyon

.

.

nabigla ako ng makilala ko kung sino ang kumakatok at mas nakakabigla ang naging bating salubong nya sakin!

.

.

napaupo ako sa sahig dahil sa pagkabigla at sa lakas ng suntok na natamo ko. hawak ko pa rin ang pumutok kong labi.

???: tumayo ka dyan! tumayo ka dyan at babasagin ko mukha mo!

aly: ano bang problema mo?

???: problema ko? anong problema ko? (hinawakan ang kwelyo ng damit ni aly at marahas na itinayo si aly) ikaw ang problema kong gago ka! (itinulak si aly)

BROKEN VOW - Caught in the Middle Book 2 (AlyDen ft BangLy and MikaDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon