bakit biglang nagbago?

7.5K 149 28
                                    

den's POV

gumising ako na hindi maganda ang mood. naiisip ko pa rin ang pagpapaalam ko kay aly kagabi. ayaw nya. nasasayangan lang kasi ako. pagkakataon ko na yun, pag naka-attend ako, tiyak dadami ang clients ko. here and abroad. napabuntung hininga na lang ako habang nag aayos ng agahan namin ni aly. tapos na kong magprepare ng mesa ng makita ko na papunta na sa dining room si aly. umupo sya sa upuang nakalaan sa kanya.

wala ang dati rating good morning na ibinabati nya sa akin.

wala ang maiinit na yakap at halik.

tila tinalo pa ng tubig na galing sa ref na isinasalin ko sa baso ni aly katabi ng tasa ng kape nya.

tahimik. katahimikan ang bumabalot sa umagang iyon.

umupo ako sa upuan katabi ng upuan nya. nagsilbi pa rin ako sa kanya. dinulutan ko sya ng pagkain sa plato nya. isusubo ko na sana ang unang kutsara ng pagkain ng magsalita sya.

aly: tungkol sa kagabi..

den: (ibinaba na ang kutsarang isusubo sana) okay lang bhe. hindi na ko sasama. sasabihin ko na mamaya sa admin. (itinuloy ang pagsubo ng pagkain)

aly: payag na ko.

napatingin ako kay aly, nakita ko na nakatingin sya sakin. seryoso ang mukha. ni hindi nagagalaw ang pagkaing inilagay ko sa plato nya. hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isip nya. dapat ba akong matakot? dapat ba akong matuwa?

den: okay lang talaga bhe.

naramdaman ko ang paghawak nya sa aking kamay. kapagdaka'y ngumiti.

aly; let me ask you this. be honest. gusto mo bang pumunta sa convention na yun?

den: (tumungo) once in a lifetime din kasi yun.

aly: then, end of story. go. 

den: 3 months yun bhe.

aly: it's just three months. meron namang skype, meron ding viber at kung anu-ano pa. pwede tayong mag-usap every night, right?

naluluha na ko sa tuwa. tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap ko ang nakaupo pa ring asawa ko. 

den: thank you. thank you bhe.

aly: (yumakap din kay denden) no worries. basta ienjoy mo ang sarili mo dun ah?

den: dont worry. (kumalas sa yakap) every night, mag-uusap tayo. at para satin din to bhe, pagkatapos nito, tiyak marami ng clients ang pipiliin ako as their doctor. then makakaipon tayo, then pwede na nating ituloy ang plano na magkaanak through implantation.

aly: malayo pa yang mga ganyan. basta ang mahalaga, enjoyin mo ang pagstay mo dun ah?

den: opoh. (smack sa lips ni aly) 

BROKEN VOW - Caught in the Middle Book 2 (AlyDen ft BangLy and MikaDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon