letting go is not an easy task

7.8K 166 27
                                    

den's POV

dalawang araw na rin akong nagsstay dito sa unit ni aly. nahihiya man ako pero wala akong magawa dahil nauuna ang takot sa akin. takot na baka balikan ako ni mika at magtagumpay sya sa nais nyang gawin sa akin.

.

damit na rin ni aly ang isinusuot ko. sabi nya ay pagkagaling nya sa coffee shop ngayong araw ay sasamahan nya akong bumili ng mga damit.

.

kabilin-bilinan din nya na wag akong magpapapasok kahit sino. may sarili syang susi kaya makakapasok sya ng sarili nya dito sa unit nya.

.

kadadating lang ni aly at nagpapalit sya ng damit dahil sasamahan daw nya akong mamili ng damit.

den: ahmmm aly. (nakaupo sa may gilid ng kama)

aly: hmmmm? nagsasapatos sa may dining area.

den: ano kaya kung sa dating bahay nalang natin ako tumira?

aly: (napatigil sa pagsisintas ng sapatos at napatingin kay denden) delikadong kapag mag-isa ka.

den: ayoko na kasing idamay ka pa sa gulo namin ni mika.

aly: no but's. youll stay here. 

den: pano si bang?

.

nakita ko na natigilan sya sa tanong ko. 

aly: maiintindihan nya ang lahat ng to.

.

she smiled. assuring na magiging maayos rin ang lahat. inilahad nya ang kanyang palad. tinanggap ko iyon at sabay kaming umalis ng unit na iyon para bumili ng damit.

.

pagkatapos naming mamili ay nagdecide kami na magtake out na lang at sa unit nalang kumain since late na rin naman.

.

inihanda ni aly ang mesa habang ako naman ay inayos ko ang mga pinamili. inilagay ko iyon sa part ng closet na nireserve ni aly para sa akin.

aly: tara na, kain na tayo.

.

tinungo ko na ang mesa at nagsalo kami sa chickenjoy at cokefloat ng jollibee. habang nakikita ko syang nag-eenjoy sa pagkain ay hindi ko maiwasang maalala kung gaano lang kami kasimple noon. kung paanong naging komplikado ang lahat ng hanapin ko ang adventure. hindi ko namalayan na isang luha na pala ang nakatakas sa aking pisngi. agad iyong napansin ni aly.

aly: anong problema den?

den: ah wala. may naalala lang ako.

aly: sigurado ka?

den: oo.

aly: sige, ligpitin ko lang to at matulog na tayo. bukas isasama kita sa U-Belt branch para naman makapagbonding tayo kasama si ella.

den: sige ba.

.

habang nagliligpit si aly ay tinungo ko na ang banyo at naligo. sa banyo ay pilit kong nilunod ang sarili ko sa shower dahil alam kong hindi ko na dapat pang iniisip ang nakaraan dahil ikakasal na si aly.

.

medyo natagalan ako sa banyo dahil dun. paglabas ko ng banyo ay nakita ko na natutulog na si aly na nakatagilid. nakatalikod sa akin. tabi kaming natutulog sa kama dahil yun rin ang gusto ni aly. iisa daw kasi ang kama sa unit nya.

BROKEN VOW - Caught in the Middle Book 2 (AlyDen ft BangLy and MikaDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon