Chapter 10 (I'm his girl!)

242 18 16
                                    

Tulad ng dati say sabay pa rin kaming pumupunta ng school ni Daniel. Pero ang pinagkaiba lang ay he was holding my hands. Na para bang proud na proud siya na ako ang girlfriend niya. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Wala siyang paki sa ibang mga babae. Hanggang sa nakarating nga kami ng classroom.

" Ang cute talaga ni Danchel. " bigla kong nasabi ng maalala ang teddy.

" Ha? Sino yun? " curious na tanong ni Elen. " Hala ka Daniel, pinagpalit ka na nitong bestfriend ko. "

Tinawanan lang siya nito at natawa din ako sa kaibigan ko.

" Ang weird niyong dalawa. " reklamo ni Elen.

" Actually si Danchel ay isang teddy bear. Regalo ni Daniel. Hahaha. " tawa-tawang sagot ko.

" Naku naman. Akala ko niyo guy. " sagot nito at nakitawa na rin.

"Alam niyo, hanggang ngayon.. hindi pa rin ako makapaniwala na kayo na. Unexpected love talaga. "

" Oo nga. Lokong-loko to eh. Proud na proud sa sarili. " tukso ko kay Daniel.

" Haha. Mahal mo naman ngayon. " sagot nito.


Fast Forward..

*** After School

*** DANIEL'S POV]

Nag ring ang door bell. Dali-dali siyang lumabas ng bahay baka andyan na yung hinihintay niyang pinakamamahal. But he was wrong. It was Regina. The girl that he hates the most. Anong ginagawa nito sa harap ng bahay niya? 

" Anong ginagawa mo dito? " malamig na tanong niya. Wala siyang gana na kausapin ito.

" Wala naman. Just dropping by to see you. " sabi nito sabay hawak sa kamay niya. Kaagad niya itong iwinakli.

" Sino naman nagsabi sayo na pwede ka na lang pumunta dito ng basta-basta? Makakaalis ka na! "  alam niyang babae ito. Pero hindi kaya ng sikmura niya ang kakapalan nito ng mukha.

" Hindi mo man lang ako papapasukin? "

" Why would I? Are you insane? " galit na sabi niya.

" Ouch.. it hurts! Ikaw naman wag ka ngang torpe. I know you liked me. Papasukin muna ako. " pagpupumilit nito.

" Stop it Regina! " galit na singhal ni David sabay hawak sa balikat nito para itulak pero siya ring pagyakap nito.



*** RACHEL'S POV]

Kitang-kita ko na magkayakap si Regina at Daniel. Wow ha! Sa labas pa ng gate mismo. Nakaramdam ako ng galit at selos. Nang makita ako ni Daniel ay kaagad nitong itinulak si Regina. 

" Umalis ka na! Alis! " sigaw nito at tumakbo si Regina. " Rachel. " tawag nito sa akin pero nagmadali akong pumasok ngunit naabutan niya pa rin ako.

" Bitawan mo ako! " galit na sabi ko.

" Rachel.. listen to me. " pagmamakaawa niya.

" Why would I? Niloloko mo ako! Akala ko ba, mahal mo ako? Pero hindi! Mali pala ang akala ko. Lahat-lahat ng ipinakita mo ay hindi totoo. " sabi ko at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha sa mga mata.

" Hindi kita niloloko. Let me explain ! "

" No need to explain. I hate you ! " sabay tulak sa kanya.

" But love.. Please.. listen to me! Will you?  " sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Nagpumilit akong makawala pero hindi ko kaya.

" Hindi ako tanga.. Kitang-kita ko!  Magkayakap kayo ni Regina. " sabay hampas sa dibdib niya.

" Sige, hampasin mo ako hangga't gusto mo. Pero ang nakita mo ay hindi totoo. Huminahon ka. Mahal kita, walang iba. " paliwanag nito at hinalikan ako ng mariin. "Rachel, mahal kita. " ayaw man ng aking damdamin pero kusang gumalaw ang mga labi ko at tumugon sa mga halik niya.

" Oo, Daniel. Nagseselos ako dahil mahal kita. Alam mo yun. Mahal kita. "

" Mahal din kita Rachel. Love, pinigilan ko lang siyang pumasok sa bahay. Siya yung yumakap sa akin. Nagpumilit siyang pumasok. Alam mo naman di ba? Wala akong gusto dun. " sabi nito at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko sabay halik sa aking noo.

" Promise? Swear? " 

" Oo naman, kahit na campus crush ako. Ikaw lang talaga. "

" Seryoso ka? "

" Oo, kaya wag ka nang magselos prinsesa ng buhay ko ! "

" Okay, paniniwalaan kita! " sabi ko.

" Wag kang mag-alala dahil kakausapin ko yun. " sabi nito. "Para wag na niya tayong guluhin at nang malaman niya na ikaw ang mahal ko. "

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon