Chapter 3 ( The more you hate ! The more you love?)

376 27 25
  • Dedicated kay Jessa Joy Paclibar Ferrer
                                    

" Class.. ngayong araw na to, re-arrange natin ang mga seats in alphabetical order. " sabi ng teacher namin. "Girl & boy. " dagdag niya.

Marami sa mga kaklase namin ang hindi nagustuhan ang sinabi nito. Siyempre, no more chika sa mga dating katabi. Alam nyo na. Nagsimula na sya sa pagtawag ng mga apelyido.

"Bautista."

"Bernal."

"Cruz."

Dahil nga sa walang family name na nagsta-start sa letter "A" ay ako ang unang tinawag at pinaupo sa unahan. Mabuti naman at katabi ko pa rin si Elen sa likuran ko dahil Bernal ang apelyido nito. Pagkatapos sa girls ay ang mga boys naman ang tinawag.

"Alcantara."

"Alvarez."

"Baylon."

Hanggang sa matapos na nga. Naku po! Pag minamalas ka nga naman. Sa dinami-dami ng pwede kong makatabi ay siya pa rin!

" Salamat naman at magkalapit pa rin tayo. " sabi ni Elen.

" Oo nga.. kaso ang masama ay may katabi akong asungot dito! " parinig ko kay Daniel.

Natawa naman si Elen sa sinabi ko at tumawa kaming pareho.

" Hoy! Ms. Beauty, tawa-tawa ka diyan! Sinong asungot sa atin ngayon? Ikaw ata yun! " sagot ni Daniel sa sinabi ko.

" Elen, ako daw? Kapal neto! " sabay irap sa kanya.

" Alam niyo ba ang sayings? The more you hate! The more you love! " tukso ni Elen.

" Impossible! " sagot ko.

" Oo nga, mahirap magustuhan ang taong masungit. Diba? " tugon naman nito na kinainis ko.

" Class, keep quiet! Meron akong assignment para sa inyo. By partners, kung sino yung seatmate niyo ay siyang magiging partner niyo. After two weeks ay kailangan niyong magperform at may ibibigay ako na script. "


After Class ***


" Hay kainis talaga Elen. Bakit kasi hindi na lang ikaw! Ayokong maka partner ang mokong na yun. Pero anong magagawa ko? Hayss.." nanlulumo kong sabi.

" Hayaan mo na Rachel. Wag mo na lang pansinin yun, tiyak na iniinis ka lang nun. At tsaka para naman sa grades mo yun. " sabi niya para gumaan ang pakiramdam ko.

" Tama ka nga.  Pag hindi ako nagcooperate, ako din ang kawawa. "

Speaking of Mokong! Ayan papalapit na. Tsk.

" Rachel! " tawag nito.

" What? " inis pa rin na tanong ko.

" Wag ka nang magsungit. Pwede ba? Sabay na tayong umuwi. "

" Ako? Sasabay sayo? No way! " sagot ko.

" Sige na, magpapractice pa tayo. Here's the script. Naku pag bumaba ang grades ko, ikaw ang sisisihin ko! "

Napatingin ako kay Elen. Humihingi ng tulong para hindi makasama dito. Ngunit nakikita ko sa mukha ng bruha kong kaibigan na gusto niyang makasama ko ito.

"  Elen naman, diba may lakad pa tayo ? "

" Sorry Rachel! May date pa pala kami ng boyfriend ko. Next time na lang ha? " sagot nito.

" But Elen.. "

" No more buts Rachel. Sama ka na kay Daniel. "  sabi nito. " Iingatan mo kaibigan ko ha? I gotta go. Bye guys! " bilin nito kay Daniel.

Lagot ka sa akin, Elen! Iniwan mo ako sa ere, kainis!

" So, let's go? " basag ni Daniel sa katahimikan.

" Ano pa bang magagawa ko ? " nakasimangot kong sagot.

 Sabay kaming sumakay ng school bus at tumabi siya sa akin. Walang imikan hanggang sa ibinaba kami sa tapat ng subdivision. Pagkababa ay kaagad akong naglakad na tila walang pakialam. Dire-diretso lang na parang walang kasama. Nang hindi ko namamalayan ay bigla na lang: 

PEEP..............PEEP..........PEEP..............

Muntik na akong masagasaan. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Daniel at naihatak sa gilid at napayakap sa kanya. Mabuti na lang dahil kung hindi, hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Hindi ko alam na natutulala pa rin ako sa nangyari. Hindi ko man lang napansin na nakaakap pa rin ako sa kanya. Mabuti na lang at walang nakakita sa pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin pag nalaman to ng mga magulang ko. 

" Nasaktan ka ba? " narinig kong tanong niya na tila nag-aalala.

" It's your fault! " sisi ko sa kanya.

" Why me? "

" Because.. I don't want to go with you but you force me. " sabi ko habang umiiyak. Pinunasan niya ang mga luha ko at tsaka ko lang narealize na nakayakap pala ako sa kanya. Kaagad akong bumitaw. 

" I'm sorry for that. " he said with sincerity.

Nang makita kong sincere siya. Napaisip ako. Sino ba ang dapat sisihin? Siya o ako? Dahil kung hindi ako nag-inarte ay tiyak na hindi to mangyayari. Paano na lang kung hindi niya ako nailigtas? Sa ngayon, babaan mo rin ang pride mo. Accept your fault! Diba ayaw mo sa mga mataas ang pride? Ba't ganyan ka ngayon?


 " Daniel..  "

" Ano yun? "

" I'm sorry sa mga sinabi ko. Kasalanan ko naman eh. Salamat at niligtas mo ako. Thank you! " 

" Rachel, kasalanan ko din. Kaya wag  na tayong magsisihan. Okay ka lang ba talaga? "

Tsaka ko lang narealize na baka mali talaga ang first impression ko na bad guy si Daniel.

 " Sorry kung agad kitang najudge, ikaw kasi.. noong first day of school. Naalala mo pa ba?"

" There's a reason behind it. Ayoko lang kasi na may mga babaeng habol ng habol sa akin na tila ba wala na akong privacy. Yung nakita mo noon, I'm just being frank to her. Sobrang kulit, daig pa ang stalker. "

Ah, kaya pala ganun siya kung umasta nang mga panahong iyon.

" So bati na tayo ? Friends ? " sabi nito sabay abot ng kamay.

" Friends! "

Nang dahil sa pangyayaring ito ay nagkaayos ang dalawang taong magkaaway. Pwede palang mangyari iyon. Sabay kaming naglakad na tila ba hindi magkaaway, na walang nagyaring hidwaan sa aming dalawa.

 " Pupunta ako mamaya sa bahay niyo, practice tayo ng script. "

" Ok. Bye Daniel. See yah. "

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon