Chapter 5

310 20 13
                                    

" Elen, may sasabihin ako sayo. Daniel said he liked me. " chika ko sa kaibigan.

" Then, what happened? " excited na tanong nito.

" I said, I like him too. " nahihiyang sagot ko.

" Ah.. " tili nito with matching talon-talon pa. " What ? Are you serious? So kayo na? Ayiee.. kinikilig ako. At last! Nahanap mo na si prince charming mo. I'm so happy for both of you. "

" Naku! Wag ka ngang exagg at emotera diyan. Hindi pa kaya kami. "

" Ha? Why? What's the matter? " naguluhan bigla.

" I said, I'm not yet ready. "

" Ay, ganun ba? Kung ako sayo go na agad. Go lang ng go! "

" Ano ako? Globe tatoo? Smart to! Ayokong maloko at tsaka gusto ko pa munang makasiguro 100% if gusto talaga niya ako. Pwede namang friends muna. "

" Naku, Rachel! Been there, believe me.. ang love di mo mapipigilan yan! It will come in unexpected time at place. Ika nga unexpected love. "

" Hayss, ganun? Ang hirap pa lang mainlove! "

" Ganyan talaga pag first time. " sabi niya. "Speaking of, andyan na ang prinsipe mo."

 " Hi girls! " bati sa amin ni Daniel.

 " Ganda gising mo ah. Ganda ng umaga ng makita si Rachel? "  tukso ni Elen.

" Ganyan talaga pag inspire. " sagot ni Daniel sabay ngiti ng pagkatamis-tamis at pasimpleng pagkindat sa akin.

Ilang minuto din kaming nag-asaran hanggang sa dumating na ang guro namin.

 "Good morning class. Next week na ang performance niyo! Be ready. "


AFTER CLASS***]


" Elen, magmall tayo. " yaya ko sa kanya.

" Sure.. malapit lang naman, anong bibilhin mo? " tanong niya.

" Wala naman maghahanap lang ng new accessories. "

" Let's go! "



 =  SA MALL =

" Saan ang gusto mo sa mga kuwintas na ito? " tanong ko. Nahihirapan akong mamili.

" Iyang hawak mo sa kanang kamay. "

" Okay.. thanks. " sabi ko. "Miss magkano po ito? " sinabi nito ang price ngunit tsaka ko lang narealize na hindi ko pala dala ang credit card at hindi kasya ang pera ko. Sayang at hindi din kasya ang pera ni Elen kaya nagpasya na lang kaming maglibot at kumain pagkatapos.


 ***[AUTHOR'S POV]

Walang kaalam-alam si Elen at Rachel na pumunta din pala si Daniel sa mall. Nakita sila nila Daniel at nang umalis na sila ay pumunta ito sa store na pinanggalingan nila.

"Mahilig pala siya sa mga jewelries. " naisip niya.

Tiningnan niya ang mga ito at nakaagaw sa atensyon niya ang isang gold heart shape na necklace. Hindi ba ito nakita ni Rachel? Eto ata ang pinakamaganda sa lahat ng kwentas. 

" Ano pong hinahanap niyo sir? Para po ba sa gf nyo?"

" Magkano po yan? Magugustuhan ba yan ng isang babae? " sabay turo sa necklace.

" Opo naman. Eto po ang pinkamaganda sa lahat. Pwede po tong pang couple.  Meron po ito para sa lalaki. "

" Sige po, kukunin ko. " sabay abot ng bayad. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nag-abala para sa isang babae.


***[RACHEL'S POV]

" Hey guys! " napatingin kami ni Elen. Teka si Daniel to ah.

" Nandito ka rin pala. Anong ginagawa mo dito? " tanong ko.

" May binili lang. "

" Alam mo Daniel, iisipin ko talaga na sinusundan mo itong kaibigan ko. " 

" Hahaha. Elen talaga, wag mo siyang pansinin Daniel. Nanunukso na naman. "

" Pauwi na ba kayo? Sabay na tayo! " tanong ni Daniel.

" Ah, mauna na kayo. Magkikita pa kami ng bf ko eh. " sagot ni Elen.

Alam ko na gumagawa na naman ito ng dahilan para magsama kaming dalawa.

" Tara, sa kotse ka na sumakay. " sabi nito. "Akin na yan! " sabay kuha ng mga bitbit ko na pinamili kanina.

" Naku, wag na. Nakakahiya. " sagot ko at pilit na kinukuha ang mga gamit.

" No, ako na. "

" Okay. Thank you! "

" Welcome, it is my pleasure. "

Nang makarating kami sa kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Daniel, wag kang ganyan! Baka tuluyan na talaga akong mainlove sayo.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon