#8 Same Charges Attract

4.3K 88 22
                                    

MARAMING SALAMAT READERS! ^_^

*Ang story na 'to ay hindi connected sa mga nauna kong one-shots.

*Sensya na po sa typos at kung magulo ang format , cp lang kasi gamit ko.

-Sa fanfic na ito, sinubukan ko namang gamitin ang tawagang daks at tomsy saka iba rin ang plot kasi highschool sila nagkakilala.

Enjoy sa pagbabasa :)

Sino ba kasi nagsabi na only opposites attract?

Di ako naniniwala dun, kasi kung totoo, bakit ako patay na patay sayo ngayon?

"Bakit ka ganyan?"

Mag-isa lang akong nakaupo sa bench nang may marinig akong nagsalita.

"Ha?"

Nagulat ako nang makita sina Joy, Amy at Nicole sa harapan ko. Kahit kailan kasi ay hindi nila ako kinausap kahit noong magkaklase pa kami. Puro masasamang tingin lang ang natatanggap ko mula sa kanila.

"Tinatanong namin kung bakit ka tomboy?"

Napayuko na lang ako. Wala naman kasi akong maisagot. Kahit kasi sa sarili ko di ko rin maipaliwanang kung bakit ganito ako. Basta ang alam ko, ito yung totoong ako.

"Look at her, wala siyang maisagot satin."

"Ito, baka masagot niya."

May itinapon silang papel sa harap ko.

"Tell me, Ara." mataray na sabi ni Nicole. "Sayo ba nanggaling yan?"

"Ano?" pinulot ko yung papel at tinignan ang nakasulat. "Hindi sakin galing to' .."

"See? She's denying it!" sabi ni Joy sa mga kasama niya.

Nagtataka akong napatingin sa kanila. "Wala talaga akong alam dito."

Totoo naman kasi yung sinasabi ko. Wala pa kong binibigyan ng love letter kahit kailan.

"Ang kapal ng mukha mong padalhan ako niyan!" bulyaw ni Nicole.

"Akala mo naman papatulan ka ni Nicole no?! Ilusyonada kang tomboy ka!" sigaw ni Joy kaya napatingin na rin samin ang ibang students na napapadaan.

"Kadiri ka talaga!" dagdag pa ni Amy.

Wala na kong nagawa kundi ang mapayuko na lang ulet. Kahit kasi sabihin kong sanay na ko sa mga naririnig kong panlalait ng iba, di ko pa rin maiwasang masaktan. Tsaka ayaw ko ng gulo. Siguro aalis rin sila pag di ko papatulan.

"Hoy! Bakit niyo siya inaaway ha?!"

Napatingin ako sa babaeng papalapit samin. Mataas siya at maiksi yung buhok niya. At higit sa lahat, ang ganda niya. Ngayon ko lang siya nakita dito.

"Sino ka ba?" tanong ni Joy.

Nakatingala lang ako sa babae nang huminto siya sa tabi ko.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo." nakapamewang na sabi niya. "Sino kayo para laitin siya? Wala kayong karapatan na gawin yan."

"Aba! Ang tapang mo ah!" inis na sabi ni Nicole. "Ngayon lang kita nakita dito, siguro ikaw yung transferee no? Wag kang makialam kung ayaw mong madamay!"

"Oo nga! Baka hindi mo kami kilala?" sabat ni Amy.

"Wala akong pakialam kung sino kayo." patuloy niya. "Wala ba kayong magawa sa buhay niyo kundi manlait ng ibang tao? Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo ah! Pareho lang naman tayong istudyante dito kaya sana wag naman kayong manghusga. Matuto naman kayong rumespeto sa kapwa niyo."

KaRa One-Shots (Mika Reyes and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon